• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kylie Padilla, tuloy sa ‘Encantadia’

Balita Online by Balita Online
April 6, 2016
in Showbiz atbp.
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

FINALLY, inilabas na ng GMA-7 ang apat na gaganap bilang Sangre sa Encantadia Requel (retelling + sequel) at kasama nga si Kylie Padilla bilang si Amihan na dating ginampanan ni Iza Calzado.

Kami ang unang nagsulat na kasama si Kylie sa Encantadia, pero may tumawag na taga-GMA sa amin na nagsabing hindi raw totoo, bagamat nag-audition naman ang aktres at nagalingan ang lahat.

“Huy, hindi pa sure ‘yun bakit mo sinulat?” sabi sa amin. “Wala pang final decision. Nakakahiya kay Kylie baka hindi siya mapili.”

Hindi kami naniwala, e, susme wala namang artista ang GMA-7 na kasing husay sa martial arts ni Kylie, aayaw pa ba sila?

Kaya pala ganoon ang reaksiyon, nabulabog ang GMA dahil na-preempt daw sila sa isa sa lead cast ng Encantadia.

So, heto naglabas na ng official statement ang GMA noong Lunes kung sino ang bumubuo ng Encantadia at kasama nga si Kylie.

Ang iba pang gaganap na Sangre ay sina Glaiza de Castro bilang si Pirena (Sunshine Dizon), Gabbi Garcia sa papel na Alena (Karylle Tatlonghari) at Sanya Lopez as Danaya (Diana Zubiri).

Si Marian Rivera ang gaganap na Ynang Reyna (Dawn Zulueta) at si Dingdong Dantes naman si Raquim (Richard Gomez).

Pero kasama rin si Dong sa unang Encantadia sa papel na Ybarro/Ybrahim.

Kasama rin si John Arcilla sa papel na Haring Hargorn, Ruru Madrid as Ibarro, at Rocco Nacino bilang si Aquil mula sa direksyon ni Mark Reyes at sa panulat ni Suzette Doctolero.

Target ng GMA-7 na ipalabas sa Hulyo ang Encantadia Requel. (Reggee Bonoan)

Tags: Encantadia RequelHaring Hargornkasamanga
Previous Post

San Jose, kumasa sa MBL Open

Next Post

NBA: Iverson at Shaq, iniluklok sa Hall of Fame

Next Post
NBA: Iverson at Shaq, iniluklok sa Hall of Fame

NBA: Iverson at Shaq, iniluklok sa Hall of Fame

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.