• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

Dating asawa ni Duterte, may sariling kampanya para sa kanya

Balita Online by Balita Online
April 6, 2016
in Probinsya
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DAVAO CITY – Sa kabila ng matinding laban niya sa stage 3 cancer, sinimulan kahapon ni Elizabeth Zimmerman ang sarili niyang kampanya upang suportahan ang kandidatura sa pagkapangulo ng dati niyang asawa na si Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang unang beses na lumabas sa publiko si Zimmerman para ilunsad ang “Byaheng DU30”, ang isang-buwang kampanya ng pagsakay sa bus na tinawag din ng support group niya bilang “Duterte Bus”, na magbibiyahe sa iba’t ibang probinsiya sa Visayas at Mindanao.

Layunin din ng caravan na pasalamatan ang mga tagasuporta ng alkalde sa Mindanao at Visayas, at kumbinsihin ang mga hindi pa nakapagdedesisyon na iboto ang dati niyang asawa.

“I am doing this for the country’s future. We are doing this for change, real change,” sabi ni Zimmerman, idinagdag na hiniling niya sa kanyang doktor na suspendihin muna ang kanyang radiation treatment hanggang sa matapos ang kampanya. “My doctor told me I can skip for just a week, but I told him no, I want to be in the campaign for one month.”

Matapos tiyaking nakumpleto na niya ang 15 session ng gamutan, sinabi ni Zimmerman sa mga tagasuporta ni Duterte at sa kanilang mga kaibigan na walang dapat ipag-alala ang mga ito.

“All my medicines are in my bag,” aniya.

Kasama ni Zimmerman sa Byaheng DU30 ang kanyang anak na si Inday Sara Duterte-Carpio, dalawang apo, at 20 iba pang volunteer.

Nagsama sina Duterte at Zimmerman sa loob ng halos 25 taon, at bagamat annulled na ang kanilang kasal, nanatiling mabuting magkaibigan ang dalawa at walang maliw ang suporta sa isa’t isa. (Alexander D. Lopez)

Tags: asawakampanyakanyaMayor Rodrigo Duterte
Previous Post

751 bagong kaso ng HIV, naitala noong Pebrero

Next Post

Hepe ng pulisya sa Cebu, todas sa ambush

Next Post

Hepe ng pulisya sa Cebu, todas sa ambush

Broom Broom Balita

  • Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’
  • Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’
  • Prof. Clarita Carlos, kina-cancel ng mismong mga katrabaho? “Bring it on!”
  • Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot
  • Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw
Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’

Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’

May 19, 2022
Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’

Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’

May 19, 2022
Prof. Clarita Carlos, kina-cancel ng mismong mga katrabaho? “Bring it on!”

Prof. Clarita Carlos, kina-cancel ng mismong mga katrabaho? “Bring it on!”

May 19, 2022
Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot

Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot

May 19, 2022
Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw

Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw

May 19, 2022
Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong

Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong

May 19, 2022
4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

May 19, 2022
Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

May 19, 2022
5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

May 19, 2022
CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

May 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.