• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Bayani at Karla, may bagong sitcom sa Cine Mo channel

Balita Online by Balita Online
April 5, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Bayani at Karla, may bagong sitcom sa Cine Mo channel
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

bayani copy

MAY bagong sitcom ang Kapamilya Network at mapapanood ito sa Cine Mo channel, ang Funny Ka, Pare Ko na pagbibidahan nina Bayani Agbayani at Karla Estrada.

Kahit na walang kontrata sa ABS-CBN si Bayani, dahil may problema pa siya sa ibang network, masaya ang komedyante na hindi siya pinababayaan ng ABS-CBN. Kaya todo-pasasalamat siya na lagi itong may nakalaang project para sa kanya.

“Wala akong kontrata. Ako kasi, utang na loob ko sa ABS-CBN, kaya hindi ako nag-iisip ng ano pa bang mangyayari sa career ko dahil ang ABS hindi nila pinababayaan ang artista nila. Ang ABS-CBN mismo ang nagpaplano kung paano mo tatahakin ang career mo. Bawat artista ‘yan. Kaya alam na alam ko na sila Ma’am Charo (Santos-Concio) at Ma’am Cory (Vidanes) na may plan sila para sa akin at ‘yun ang ‘pinapasalamat ko,” bungad ni Bayani nang humarap sa isang presscon.

Kilala at nakatatak kay Bayani ang pagpapatawa kaya’t no major adjustments ang sitcoms para sa kanya.

“Actually hindi naman ako natigil, nasa ibang istasyon lang. Matagal akong hindi nagkaroon ng sariling show. Laging kasama ko si Aga (Muhlach) or si Cesar Montano. This time maraming-maraming salamat sa ABS-CBN, talagang kahit kelan hindi kayo nagsasawang maniwala sa amin na mga baguhang komedyante at lagi n’yo kaming sinusuportahan.

“Kung tinatanong n’yo kung naninibago ako, hindi naman masyado. Maging sa harap at likod ng camera gano’n kami. Gano’n naman actually ang technique ng pagpapaptawa, eh. Dapat dire-diretso ka lang na masaya, dire-diretso ka lang na nagpapasaya ng tao kahit walang umiikot na camera sa harap mo. Kasi ang unang-unang barometer ng pagpapatawa ‘yung pamilya mo, eh,” magandang pahayag ni Bayani.

Sa Funny Ka, Pare Ko, gagampanan niya ang role bilang asawa ni Karla Karla. Ginagawa nilang talent show sa gabi ang isang restaurant sa kapitbahay, ang ilan sa talents o performers niya ay discoveries mula sa finalist ng “Funny One” segment ng It’s Showtime gaya nina Ryan Rems, Crazy Duo at No Direction.

“Ako, ever since gumagawa ako ng proyekto hindi ko iniisip na ako ‘yung bida. Ang iniisip ko lang ay iyong proyektong ginagawa namin. Kaming lahat ang gumagawa nu’n, kaming lahat ang bida. Kasi ‘pag hindi in touch ‘yung sarili mo sa mga kasama mo, hindi kayo magkakaroon ng harmonious relationship. Dapat lahat kayo bida,” ani Bayani.

Wala siyang anumang problema sa pakikipagtrabaho kay Karla dahil umpisa pa lamang niya sa ABS, lagi na silang nagkikita ng tinatagurian ngayong ‘queen mother’.

“Nagkikita kami at may common friend kami na lagi namin ‘yung pinag-uusapan,” aniya pa. (ADOR SALUTA)

Tags: akokapamilya networkkayautang na loob
Previous Post

Pinoy scientist at grupo, ginawaran ng P19.3-M para sa malaria vaccine

Next Post

Pacquiao, tinangkang saktan ng Kano

Next Post

Pacquiao, tinangkang saktan ng Kano

Broom Broom Balita

  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.