Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Gelilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.
Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matutuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.”
PAGSASADIWA:
Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos.— Nakaugat sa ebanghelyo ito ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos na isa sa mga pinaniniwalaan at itinuturo ng Iglesya.