Abril 4, 1975, nang itatag ni Bill Gates, katuwang si Paul Allen, ang kumpanyang Microsoft, na nakatuon sa paggawa ng computer software. Nagsilbing programmers sina Gates at Allen simula nang dumalo sila sa Lakeside School sa Seattle, Washington.
Bumuo ang kumpanya ng mga bersiyon ng “Basic” program para sa TRS-80 ng Radio Shack at Apple II computer noon. Unang nakabase ang kumpanya sa Albuquerque, New Mexico, ngunit lumipat sa Washington noong 1979.
Taong 1987 nang maging bilyonaryo si Gates. Inilunsad naman noong 1981 ang kanyang “MS-DOS” operating system (OS) para sa IBM, at sinundan ng graphics-friendly na OS “Windows” makalipas ang apat na taon.
Inilunsad noong 1995, ang “Windows 95” OS version ng Microsoft ay gumamit ng iba’t ibang innovation, katulad ng Start menu. Sa taon ding ito nakilala ang Internet Explorer.
Noong 2001, nagkaroon kasunduan ang Microsoft sa gobyerno ng United States kaugnay ng wastong corporate practices.