• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

KARAPATAN NG MGA KABATAAN

Balita Online by Balita Online
April 3, 2016
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAHALAGANG mulat na ang tao sa kanyang mga karapatan sa murang edad pa lamang. Ang kahalagahan na ito ay pasok sa curriculum ng elementary education, kung saan ipinapaalam at itinuturo na sa mga bata ang kanilang mga karapatan. Sapat na ba ito upang maipaglaban ang karapatan ng mga kabataan?

Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition, ang partisipasyon ng mga bata ay isang karapatang pantao.

Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child (CRC), kung saan ang ating bansa ay isa sa mga signatories o nagsipaglagda. Ayon nga sa Article 12 at 13 nito, dapat masiguro ng mga estado ang karapatan ng mga bata na kaya ng bumuo ng kanilang mga ideya at opinyon na malayang maibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat ding masiguro ng mga estado ang kalayaan ng mga bata na maghanap, tumanggap at magbigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita, sining, o sa kahit ano pa mang paraan o medium na nais nila.

Ang mga bata ay maaAring aktibong makilahok sa paghulma ng kanilang buhay mula sa kanilang tahanan. Maaari rin siyang makilahok sa kanyang komunidad, at maging sa lipunan. Kaya lamang maraming balakid dito, lalo na sa ating bansa. Unang-una, ang child participation ng mga bata ay bago o malayong konsepto para sa maraming pamilya.

Tradisyunal kasing inaasahan ang mga bata na susunod lamang sa magulang, at ang mga paglahok sa mga gawaing labas sa pamilya ay hindi gaano pahahalagahan.

Pangalawa, ang kahirapan ay isang malaking balakid sa child participation. Maraming kabataan ang napipilitang kumalas sa normal na daloy ng buhay ng bata dahil kailangan nilang tumulong at maghanap ng pagkakakitaan para sa pamilya. Pangatlo, kulang din sa kaalaman at kamulatan ang mga magulang ukol sa karapatang pantao. Itinuro man ito sa paaralan, hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami sa maralita ang maagang iniwan ang pag-aaral para maghanap-buhay.

Sa ating bansa kung saan maraming mga bata ang biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao, ang partisipasyon ng kabataan ay napakahalaga. Base sa pagsasaliksik ng Ecumenical Institute for Labor Education Research (EILER) noong 2015, kalat ang child labor sa mga minahan at plantasyon, kung saan 22.5% sa mga kabahayan sa plantation communities ay may child worker, habang ang child labor incidence naman sa mga komunidad na may minahan ay nasa 14%. Ang karaniwang edad ng mga child workers ay 12, ngunit mayroong nagsisimulang magtrabaho ng limang taong gulang pa lamang. Aabot sa 76% ng mga child laborer ang tumigil na mag-aral at marami sa kanila ay kumakayod sa loob ng sampu o higit pang oras kada araw.

Kapanalig, ang karapatang pantao ay integral sa ating dignidad, na isa ring prinsipyong itinataguyod ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Gaudium et Spes, ang anumang tumatapak sa dignidad ng tao ay lason sa lipunan.

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)

Tags: ating bansakarapatang pantaong mgasaan
Previous Post

‘Kristo’, itinumba

Next Post

Kinursunada ng 2 adik, grabe sa mga saksak

Next Post

Kinursunada ng 2 adik, grabe sa mga saksak

Broom Broom Balita

  • 10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od
  • Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?
  • Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?
  • Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito
  • Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?
10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

May 17, 2022
Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

May 17, 2022
Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

May 17, 2022
Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

May 17, 2022
Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

May 17, 2022
Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

May 17, 2022
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.