Nanatili sa labas ng libingan si Maria Magdalena na tumatangis. Habang tumatangis siya, yumukod siyang nakatanaw sa libingan. At may nakita siyang dalawang anghel na nakaputi na nakaupo, nasa may ulunan ang isa at ang ikalawa ay nasa may paanan ng kinalagakan ng bangkay ni Jesus.
Sinabi sa kanya ng mga iyon: “Ale, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila: “May kumuha sa panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagak.” Pagkasabi niya sa mga ito, tumalikod siya at nakita niya si Jesus na nakatayo. Ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon.
PAGSASADIWA:
Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: “Paakyat ako sa Ama ko at Ama n’yo, sa Diyos ko at Diyos n’yo”.— Ang pag-uusap nina Maria Magdalena at ng muling-nabuhay na Panginoon ay nakabatay sa personal na pagkakakilala ni Jesus kay Magdalena. Nakilala ni Maria ang tinig ni Jesus, tulad ng tupang nakakakilala sa tinig ng kanyang pastol.