• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Boncales, sinimulan ang kampanya ng PH boxer

Balita Online by Balita Online
March 27, 2016
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sisimulan ni Roldan Boncales Jr. ang kampanya ng Team Philippines sa 2016 AOB Asian / Oceanian Qualification Event ngayon, sa Tangshan Jiujiang Sport Center sa Quian’an, China.

Sasalang si Boncales Jr. sa Men’s Flyweight (52kg), habang nakakuha ng bye sa opening day sina Rogen Ladon, Mario Fernandez, Charly Suarez at Eumir Felix Marcial.

Makakasagupa ni Boncales Jr., pumalit sa dating puwesto ni Mark Anthony Barriga, si Van Thao Tran ng Vietnam, sa torneo na may nakatayang slot para sa Rio Olympics.

Nakatakda naman sumagupa ngayong gabi ang natatanging babae na naghahangad na makalaro sa quadrennial meet si World silver medalist at SEA Games multi-titled Nesthy Petecio na makakasagupa si Micronesian Jennifer Chieng.

Sasagupa naman sa Marso 28 sa men’s Light Fly (46-49 kg) ang seeded No.1 na si Rogen Ladon matapos na makakuha ng bye upang hintayin ang mananalo sa pagitan nina KIM Un Song Kim ng People’s Republic of Korea at kay Tosho Kashiwasaki ng Japan.

Nakahugot din ng bye sa men’s Bantam (56 kg) draw si Mario Fernandez upang hintayin sa Marso 28 ang kalaban sa pagitan nina Yakub Meredov ng Turkmenistan at Abdullatef Sadiq ng Qatar na maghaharap ngayong gabi.

Hihintayin din ni seeded No. 2 Charly Suarez ang makakalaban sa Men’s Light weight (60 kg) kontra kina Hursand Imankuliyev ng Turkmenistan at Chu-En Lai ng Taipei.

Isa pang sasagupa sa Marso 28 sa men’s welter (69 kg) ang No. 1 seed na si Eumir Felix Marcial na hihintayin ang mananalo sa salpukan nina Chi-Wen Huang ng Taipei at Istafanos Kori ng Austria. (Angie Oredo)

Tags: kampanyangayong gabiTeam Philippinesturkmenistan
Previous Post

DoH, nagbabala kontra tigdas

Next Post

Gwen Stefani, ‘blessed’ kung magkakaroon ng anak na bading

Next Post

Gwen Stefani, 'blessed' kung magkakaroon ng anak na bading

Broom Broom Balita

  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.