• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Torres, lulundag sa Asian Masters

Balita Online by Balita Online
March 25, 2016
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pilit na aabutin ni Marestella Torres, sa ikatlong pagkakataon ang katuparan ng pangarap na makalaro sa Rio Olympics sa pagsabak sa IAAF-sanctioned 19th Asian Masters Athletics Championships sa Mayo 4-9, sa Singapore Sports Hub sa Singapore.

Napag-alaman kay Paul Ycasas, Philippine Masters Athletics Association coordinator, na kuwalipikado na si Torres na maglaro sa Masters na isang torneo para sa mga dating pambansang atleta matapos tumuntong sa kanyang ika-35 taon noong Pebrero 20.

“Puwede siyang makapagkuwalipika sa Olympics kung kanyang maaabot ang qualifying standard sa Asian Masters dahil isa itong sanctioned event ng IAAF,” paliwanag ni Ycasas. “Malakas ang lineup natin ngayon dahil iyong mga dati nating national athletes na coach na ngayon ay kasali na sa Masters.”

Mababa ang ipinakita ni Torres sa nakaraang 2016 Philippine National Games (PNG) sa Lingayen, Pangasinan matapos nitong tumalon ng 6.13 metro na malayo sa kanyang SEA Games at personal record na 6.71 metro.

Makakasama ni Torres na sasabak sa torneo ang mga dati nitong kakampi sa pambansang koponan na sina Arneil Ferrera na sasabak sa throwing event, si Jobert Delicano sa long jump at triple jump, Rene Herrera sa 3,000m steeplechase at ibang regular na kasali ng Team Masters Philippines.

Hindi makakasama ang minsan naging triple gold medalist sa torneo na si Elma Muros-Posadas dahil magpapagaling sa kanyang injury na bagama’t inaasahan na mag-uuwi ng ginto ang men’s relay na pinamumunuan ng matagal na humawak sa national record sa 400m hurdler at ngayon ay secretary general ng PATAFA na si Reynato Unso.

Magbabalik din sa koponan si Lerma Bulauitan-Gabito na asam iuwi muli ang mga ginto sa 100, 200, at long jump matapos hindi nakalaro sa huling edisyon ng torneo sa Japan dahil nag-coach ito sa 4×100 na koponan ng bansa na lumahok sa 28th SEA Games.

Huling nagtala ng dalawang bagong meet record habang nag-uwi ng kabuuang 10 medalya sa kada dalawang taong torneo ang 19 na kataong delagado na lumahok sa Kitakami City, Japan. Nakapagwagi ito ng tatlong ginto, dalawang pilak at limang tanso.

Ang tatlong ginto ay mula kay Emerson Obiena sa pole vault (M45-49 category), Danilo Fresnido sa M40-44 Javelin Throw na bagong AMAC record na 63.58 metro at si Erlinda Lavandia sa Javelin Throw. May dalawang pilak din si Lavandia sa Shot Put at Discus Throw at isang tanso sa Hammer Throw.

Ang mga nagwagi ng tanso ay sina Margarito Baniqued sa 5,000 meters walk (M50-54), John Lozada sa 800m run (M40-44), Victorina Calma, Elenita Punelas, Salve Bayaban at Jeanette Obiena sa 4×100 relay (W40-44) at sina Julio Bayaban, John Lozada, Edward Kho at Emerson Obiena sa 4×100 relay (M40-44). (ANGIE OREDO)

Tags: angMarestella TorresRio Olympicstanso
Previous Post

Task force para depensahan ang West Philippine Sea, nilikha ni PNoy

Next Post

Korean:Tinangayan na ng wallet, nilimas pa ang debit card

Next Post

Korean:Tinangayan na ng wallet, nilimas pa ang debit card

Broom Broom Balita

  • Lovi Poe, feeling patay sa birthday tarpaulin
  • Vintage-themed photos ni Liza Soberano, pinagpiyestahan
  • ‘Unbothered?’ James at Issa, naglambingan sa sofa
  • Vanessa at Janice, nakaladkad dahil sa tanong ng misis ni John Estrada
  • ‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.