Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Jesus na dumating na ang kanyang oras…
Naghahapunan sila at naipasok na ng diyablo sa isip ni judas na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik.
Kay tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang panlabas na damit…at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya…
PAGSASADIWA:
Kung hinugasan ko ang inyong mga paa, ako na siyang Panginoon at siyang Guro, gayundin naman kayo dapat maghugasan ng paa ng isa’t isa.— Sa araw na ito ipinakikita sa atin si Jesus na nanatiling matapat sa kanyang Ama, at totoong mapagmahal sa kanyang mga alagad.