Nagpauna si Jesus sa kanyang mga alagad pa-Jerusalem. Nang malapit na siya sa Betfage at sa Betania, sa tabi ng Bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kanyang mga alagad: “Pumunta kayo sa katapat na nayon. Pagpasok n’yo roon, may makikita kayong nakataling asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan iyon at dalhin sa akin. Kung may magtanong sa inyo kung bakit n’yo iyon kinakalagan, sabihin n’yong ‘Kailangan ito ng Panginoon.’”
‘Si Jesus sa ating hanay’
Mga nag-aalimpuyong tagpo ang masasaksihan natin sa buong Linggong ito. Ang kulay pula sa pagdiriwang natin sa Linggo ng Palaspas ay hudyat ng simula ng pagpapalitan ng mga maiigting na damdamin.
Marami ang humanay sa parada ni Jesus, at nanguna rito ang kanyang mga apostol. Kasama ng taumbayan, inilagak ng mga apostol ang kanilang pag-asa kay Jesus.