Sinabi ni Jesus sa mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.”
Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ng Mga Propeta… Mas dakila ka ba kaysa ninuno naming si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?”
Sumagot si Jesus: “Kung ako ang nagmamapuri sa sarili, walang sasay ang papuri ko. Ang aking Ama ang pumupuri sa akin, siya na itinuturing niyo na inyong Diyos.”
PAGSASADIWA:
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abraham, ako na nga.—Parang inamin na dito ni Jesus na siya ang Diyos, at nagalit ang mga tao sa kanya dahil inisip nilang lapastangan siya sa Diyos.