Sinabi ni Jesus sa mga Judiong naniwala sa kanya: “Kung mananatili kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo, at malalaman niyo ang katotohanan, at magpapalaya sa inyo ang katotohanan.”
Sumagot sila sa kanya: “Binhi ni Abraham kami at hinding-hindi kami nagpaalipin kaninuman. Paano mo masasabing ‘Magiging malaya kayo’?”
Sumagot sa kanila si Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ngunit hindi nananatili ang alipin sa pamamahay magpakailanman.
PAGSASADIWA:
Kung mananatili kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo.—Inilalarawan dito ni Jesus kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tunay na alagad niya: ang pananatili sa kanyang salita.