• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

VP Binay: CoA report, itinaon sa ikalawang debate

Balita Online by Balita Online
March 12, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itinuring ni Vice President Jejomar Binay na “demolition by perception” ang ikinakasa ng gobyernong Aquino sa pagsasapubliko ng Commission on Audit (CoA) report hinggil sa umano’y multi-bilyong pisong anomalya sa Makati City Hall Building II kahit na hindi pa nakukumpleto ang proseso.

Binatikos din ng United Nationalist Alliance (UNA) standard bearer ang umano’y kutsabahan ng CoA at Office of the Ombudsman sa pagpapalabas sa hilaw na CoA report upang itaon ito sa ikalawang yugto ng presidential debate, na gagawin sa Cebu sa Marso 20.

“Umpisahan muna natin sa Ombudsman, sige pa ‘yung demolition by perception,” pahayag ni Binay sa isinagawang campaign rally sa Rosario Civic Center sa La Union.

“The report is still incomplete. The process of COA is not finished yet,” dagdag ni Binay.

Aniya, isinumite pa lamang ng isang panel ang CoA report at nakabimbin pa rin ang motion for reconsideration na inihain ng kanilang kampo.

“It is not a finished product. Pero as usual ang Ombudsman kasama sa conspiracy ng paninira. Malapit na ang debate,” pahayag ni Binay.

Pinabulaanan din ni Binay ang mga ulat na tinangka ng kanyang kampo na pigilin ang paglabas ng CoA report at sa halip, itinuro ang audit agency na gumawa umano ng hakbang upang agad na mailabas ang naturang audit report hinggil sa kontrobersiyal na istruktura sa Makati City. (Anna Liza Villas-Alavaren)

Tags: AquinoCommissiondebatekampo
Previous Post

Aiko at Jomari, may usapang sila na lang uli

Next Post

Retirement benefits sa opisyal ng barangay

Next Post

Retirement benefits sa opisyal ng barangay

Broom Broom Balita

  • 1 pang Kadiwa ng Pangulo, inilunsad sa Bataan
  • ‘Substantial distinction’ sa isinusulong na menstrual leave sa Kongreso
  • Isa sa mga mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo, arestado ng NBI – Sec Remulla
  • 2 babaeng taga-Mindanao, kumubra ng kanilang milyun-milyong premyo sa PCSO
  • Number coding scheme, kanselado sa Abril 5
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.