• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

Police trainee, patay sa heat stroke

Balita Online by Balita Online
March 10, 2016
in Probinsya
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nasawi ang isang babaeng police trainee matapos atakehin ng heat stroke habang sumasailaim sa Public Safety Basic Recruit Course Training sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Vanessa Tenoso, 28, at tubong Cagayan Valley.

Sinabi ni Senior Supt. Ernesto Agas, hepe ng training unit ng Philippine National Police (PNP), na dumaing ng pagkahilo si Tenoso kaya dinala ito sa ospital sa Calamba, ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Agas, cardiac arrest due to heat stroke ang dahilan ng pagkamatay ni Tenoso at nakalagak ngayon ang kanyang labi sa mortuary ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Iuuwi sa Cagayan Valley ang bangkay ni Tenoso.

Sumasailalim si Tenoso sa anim na buwang public safety basic training at magtatapos na sana sa Marso 16 upang ganap na makapasok sa Special Action Force (SAF) ng PNP.

Samantala, sinabi ni Agas na nagbigay ang PNP ng paunang P80,000 donasyon sa pamilya ni Tenoso para sa mga pangangailangan sa kanyang burol, habang pinamamadali na ang pagpoproseso at pagpapalabas ng P220,000 hanggang P240,000 mula sa public safety fund para sa mga magulang na naulila ni Tenoso. (FER TABOY)

Tags: heat strokeMartespatayPolice
Previous Post

Bagong Air Force chief, itinalaga ni PNoy

Next Post

IS, MILF, walang kutsabahan—Palasyo

Next Post

IS, MILF, walang kutsabahan—Palasyo

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot na ₱49.5M, walang nanalo — PCSO
  • Mga ospital sa Region 4A, handa na sa emergency cases vs smog
  • KBL team Changwon LG, nilampaso ng Gilas Pilipinas sa tune-up game
  • 2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela
  • 2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate
Halos ₱6M jackpot sa lotto, naiuwi ng taga-Maynila

Lotto jackpot na ₱49.5M, walang nanalo — PCSO

September 23, 2023
27 volcanic quakes, naitala sa Taal — Phivolcs

Mga ospital sa Region 4A, handa na sa emergency cases vs smog

September 22, 2023
KBL team Changwon LG, nilampaso ng Gilas Pilipinas sa tune-up game

KBL team Changwon LG, nilampaso ng Gilas Pilipinas sa tune-up game

September 22, 2023
2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela

2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela

September 22, 2023
2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate

2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate

September 22, 2023
Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

September 22, 2023
Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

September 22, 2023
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.