• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Damit, cell phone ng pinatay na casino executive, sinuri

Balita Online by Balita Online
March 6, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiwala si Parañaque City Police chief Senior Supt. Ariel Andrade na hindi pa nakakaalis ng bansa ang apat na suspek sa pagpaslang sa isang casino executive kasunod ng pagkakalagay ng pangalan ng mga ito sa watch list ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DoJ).

Biyernes ng umaga nang maghain ang awtoridad ng kasong murder sa Parañaque Prosecutor’s Office laban kina Rodney Ynchausti, nobyo ng biktima, ng BF International Village, Las Piñas City; Molo Hwang; at Josiebell Bea Lim Uy, kapwa empleyado ng Solaire Resort and Casino; at Paolo Egoc.

Lumitaw sa autopsy report ng Southern Police District-Crime Laboratory na pananakal ang ikinamatay ni Edgel Joy Durolfo, assistant manager for VIP Premium Services ng Solaire Resort sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Ayon kay Andrade, patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen, at isinailalim na sa forensic examination ang cell phone at damit ni Durolfo.

Bukod dito, magkakaroon din ng toxicology test sa labi ni Durolfo para alamin kung lumaklak ito ng ecstacy na unang idinahilan ni Ynchausti sa umano’y overdose sa nabanggit na droga na ikinamatay ng biktima.

Aalamin ng awtoridad kung biktima rin ng panggagahasa ang biktima.

Hinala ng pulisya na ang tinamong mga pasa ni Durolfo sa katawan ay posibleng indikasyon na nanlaban ang biktima sa mga suspek. (Bella Gamotea)

Tags: City Policeng mgaParaSenior Supt
Previous Post

MABUTING PAYO MULA SA WORLD BANK

Next Post

Road sharing sa Commonwealth Avenue, ipatutupad ngayon

Next Post

Road sharing sa Commonwealth Avenue, ipatutupad ngayon

Broom Broom Balita

  • Kumpleto na pamilya sa Pasko: 27 pang OFWs mula Israel, dumating sa bansa
  • 4 patay sa nasunog na pagawaan ng paputok sa Cebu
  • Mangingisdang nasiraan ng bangka sa Quezon, na-rescue sa Romblon
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Matinding traffic sa MMFF Parade of Stars sa CAMANAVA area sa Dis. 16, asahan
Kumpleto na pamilya sa Pasko: 27 pang OFWs mula Israel, dumating sa bansa

Kumpleto na pamilya sa Pasko: 27 pang OFWs mula Israel, dumating sa bansa

December 12, 2023
4 patay sa nasunog na pagawaan ng paputok sa Cebu

4 patay sa nasunog na pagawaan ng paputok sa Cebu

December 11, 2023
Mangingisdang nasiraan ng bangka sa Quezon, na-rescue sa Romblon

Mangingisdang nasiraan ng bangka sa Quezon, na-rescue sa Romblon

December 11, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

December 11, 2023
Matinding traffic sa MMFF Parade of Stars sa CAMANAVA area sa Dis. 16, asahan

Matinding traffic sa MMFF Parade of Stars sa CAMANAVA area sa Dis. 16, asahan

December 11, 2023
Australian vlogger niloko ng tricycle driver sa Maynila; Pinoy netizens, nahiya

Australian vlogger niloko ng tricycle driver sa Maynila; Pinoy netizens, nahiya

December 11, 2023
Abante, suportado pagpapauwi sa Chinese envoy

Abante, suportado pagpapauwi sa Chinese envoy

December 11, 2023
Pokwang ‘pinaiyak’ ni Uge

Pokwang ‘pinaiyak’ ni Uge

December 11, 2023
Crop top King: ‘Karug’ ni Kyle Echarri, pinagpiyestahan

Crop top King: ‘Karug’ ni Kyle Echarri, pinagpiyestahan

December 11, 2023
Xian Gaza, may pa-blind item sa dalawang bonjing na mama’s boy

Xian Gaza, may pa-blind item sa dalawang bonjing na mama’s boy

December 11, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.