• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pinakamagastos na train station sa mundo, nagbukas sa New York

Balita Online by Balita Online
March 5, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NEW YORK (AFP) – Nagbukas ang pinakamagastos na train station sa mundo nitong Huwebes sa New York, halos $2 billion ang inilagpas sa budget at ilang taong nahuli mula sa nakatakdang pagbubukas, ngunit tinawag na handog ng pagmamahal ng European architect na nagdisenyo nito.

Ang World Trade Center Transportation Hub, na inaasahang magsisilbi sa mahigit 200,000 commuter araw-araw, ay itinayo sa tabi ng dating Twin Towers, na winasak ng terror attacks noong Setyembre 11, 2001.

Si Santiago Calatrava, ang Spanish-Swiss architect na nagpakilala sa ambisyosong disenyo 12 taon na ang nakalilipas, ang nag-alis sa mga harang sa pasukan ng Oculus, ang higanteng oval hall na ang mga pader ay gawa sa steel ribs at glass.

‘’This is a great moment. This is a gift for all New Yorkers,’’ pahayag niya sa pagbubukas para sa rail commuters.

‘’I hope the New Yorkers embrace it like we do and that they see the message of love to them.’’

Ang gusali ay pinagmulan ng malaking kontrobersiya — sa matapang na aesthetic, sumobra sa itinakdang budget at halos pitong taong nahuli sa schedule nito.

Unang pinaglaanan ng $2 billion, natapos ito na pinagkagastusan ng $3.85 billion, ayon sa tagapagsalita sa opisina ni Calatrava. Ito na ang pinakamahal na istasyon ng tren sa mundo.

Sinabi ni Calatrava na umaasa siya na matutuwa ang financial at entertainment capital ng America sa gusali na inaasahan niyang magiging ‘’big civic monument like Grand Central’’ — isa sa pinakatinatanging landmark sa New York.

Ang gusali ay hugis elliptical, na nakaturo sa kalangitan gaya ng mga pakpak ng ibon. Ito ay may sukat na 350 feet (107 meters) ang haba at 115 feet (35 meters) ang lapad.

Ang pagbubukas nitong Huwebes ay partial opening lamang – nakatakdang magbukas ang higanteng shopping at restaurant plaza nito sa Agosto.

Ikinokonekta ng center ang PATH commuter rail sa New Jersey sa New York subway lines at nagbibigay ng indoor pedestrian access sa mga tore ng Trade Center.

Tags: budgetHuwebesna angNew Yorkers
Previous Post

Dingdong, master na sa pagpapalit ng diaper

Next Post

ANG HULING LABAN NI MANNY

Next Post

ANG HULING LABAN NI MANNY

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.