• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Nobyo ng pinatay na casino exec, 3 pa, kinasuhan ng murder

Balita Online by Balita Online
March 5, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinampahan na ng kasong murder sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang apat na suspek, kabilang ang nobyo ng pinaslang na 24-anyos na assistant manager ng Solaire Resort and Casino sa lungsod, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Parañaque City Police chief Senior Supt. Ariel Andrade ang apat na kinasuhan na sina Rodney Ynchausti, nobyo ng biktima at nakatira sa BF International Village, Las Piñas City; Molo Hwang; at Josiebell Bea Lim Uy, kapwa empleyado ng naturang hotel casino; at Paolo Egoc.

Pasado 11:00 ng umaga nang pormal na ihain nina SPO3 Reynaldo Amado at PO3 Johnny Margate ang tatlong-pahinang charge sheet at nakapaloob dito ang resulta ng autopsy report mula sa Southern Police District Crime Laboratory na gagamiting ebidensiya laban sa apat na suspek.

Lumitaw sa pagsusuri sa labi ni Edgel Joy Durolfo, assistant manager for VIP Premium Services ng Solaire Resort and Casino, na namatay ito sa pananakal (asphyxia by manual strangulation).

Sa inisyal na report, nagtamo ng mga pasa sa braso, kamay, paa at kapansing-pansin ang marka sa leeg ng biktima.

Wala na ring malay si Durolfo nang dalhin sa San Juan De Dios Hospital noong madaling araw ng Pebrero 26.

Unang sinabi ni Ynchausti na-overdose si Durolfo sa pag-inom ng ecstacy sa kanilang party kasama ang tatlong iba pang suspek sa isang silid sa hotel casino. (BELLA GAMOTEA)

Tags: angmanagerParaumaga
Previous Post

Ilan sa pamilya ni Rob Kardashian, hindi pabor kay Blac Chyna

Next Post

Falcons, nangitlog sa Lorenzo field

Next Post

Falcons, nangitlog sa Lorenzo field

Broom Broom Balita

  • Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur
  • Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol
  • Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t
  • Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas
  • Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’
Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

December 2, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

December 2, 2023
Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

December 2, 2023
Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas

Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas

December 2, 2023
Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’

Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’

December 2, 2023
14 sa Pinoy seafarers na nakaligtas sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa Pinas

14 sa Pinoy seafarers na nakaligtas sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa Pinas

December 2, 2023
Inka Magnaye, hinikayat netizens na mag-adopt ng Aspins, Puspins

Inka Magnaye, hinikayat netizens na mag-adopt ng Aspins, Puspins

December 2, 2023
‘Matic na ‘yan! Mga senior citizens, miyembro na ng PhilHealth

Social pension payout para sa senior citizens sa QC, sa Dis. 5 na!

December 2, 2023
Luke Espiritu, binigyang-pugay namayapang Jun Urbano

Luke Espiritu, binigyang-pugay namayapang Jun Urbano

December 2, 2023
5,000 preso, posibleng palayain ngayong Disyembre — BJMP

5,000 preso, posibleng palayain ngayong Disyembre — BJMP

December 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.