Mga laro ngayon
(Ynares Sports Arena)
2 n.h. — AMA vs.UP-QRS/Jam Liner
4 n.h. — Cafe France vs.Phoenix-FEU
Target ng Café France na mapatibay ang kapit sa No.1 tungo sa quarterfinals sa pakikipagsagupa sa Phoenix-FEU sa tampok na laro ngayong hapon sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kasalukuyang namumuro ang Bakers kasalo ng Caida Tile, taglày ang barahang 6-1, habang nakabuntot lamang sa kanila ang Phoenix na naiiwan lamang ng isang panalo.
Kung magwawagi, kahit makatabla pa ang Caida, makukuha ng Bakers ang pagiging No.1 sa quarterfinals sa bisa ng winner- over- the-other rule.
“Although we’re assured of a twice-to-beat advantage,hindi kami dapat makuntento.We must strive more and work harder to achieve our goal,” pahayag ni Bakers coach Egay Macaraya.
Ayon kay Macaraya, kailangan nilang mapanatili kung hindi man mas mapaangat pa ang kanilang laro para sa target nilang makapasok sa finals.
Mauuna rito, sisikapin ng AMA University ang kanilang pag-usad sa quarterfinals sa pagtutuos sa UP-QRS/Jam Liner na target namang buhayin ang tyansa sa No.4 spot na may kaskibat na bentaheng twice-to-beat.
Kapag nanalo ang Maroons,tatabla sila sa Tanduay Rhum na may barahang 5-3, at dahil tinalo nila ang mga ito,sila ang kokopo ng no.4 spot papasok ng quarterfinals. (Marivic Awitan)