• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Anthony Taberna, lilipat sa ibang network?

Balita Online by Balita Online
March 1, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Anthony Taberna, lilipat sa ibang network?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Anthony-Taberna copy

KUWENTO ng isa naming kaibigang staff ng ilang programa ng ABS-CBN na nagkataong malapit kay Anthony Taberna, sumama raw ang loob ng premyadong TV host/radio commentator sa biglang kanselasyon ng programang pagsasamahan sana nila ni Kris Aquino.

Nadismaya raw si Anthony, pero wala naman daw siyang magagawa dahil desisyon iyon ng executives ng kanilang network.

Binanggit din ng kausap namin na nalaman daw ng kampo nila na may isang maimpluwensiyang executive na gumawa ng paraan para huwag matuloy ang pagsasama nina Kris at Ka Tunying sa isang TV show.

“Hindi naman hiningi ni Ka Tunying na pagsamahin silang dalawa ni Kris sa show. Kumbaga, nanahimik lang siya at kuntento na siya sa mga regular shows niya sa Dos at pati na rin sa radio program niya,” sey pa ng kausap namin.

Ang ikinalungkot lang daw ng kampo nila, kung bakit after makapag-taping sina Kris at Ka Tunying ng dalawang episode ay saka naman bigla na lang sinabi na hindi na itutuloy ang show ng dalawa.

Dagdag pa ng kausap naming, kahit naibasura ng network ang naturang programa nina Kris at Ka Tunying, tuloy pa rin ang buhay para sa huli. Masaya pa rin naman daw siya sa programa niya sa network.

Napag-alaman din namin sa source na may planong tumungo sa abroad si Ka Tunying kasama ang pamilya.

Ayaw magkomento ng kausap namin sa nasagap naming usap-usapan sa Dos na lilipat daw ng ibang network si Anthony Taberna. Tatapusin lang daw ni Anthony ang natitirang ilang buwan ng kontrata niya sa Kapamilya Network, then babu na siya sa pagiging kapamilya.

Samantala, nakatakdang ilunsad ang bagong bihis na KrisTV kaya panay ang meeting ng mga staff ng show. Siyempre, ang Queen of All Media pa rin ang host ng programa, huh! (JIMI ESCALA)

Tags: dawKa Tunyingkapamilya networktuloy pa rin
Previous Post

Manager ni Ping Lacson, nasalisihan ng P250,000

Next Post

1.5-M Pinoy, nakahanap ng trabaho online

Next Post

1.5-M Pinoy, nakahanap ng trabaho online

Broom Broom Balita

  • Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

September 29, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.