• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte, mainit na tinanggap sa MILF camp; Cayetano, ‘no-show’

Balita Online by Balita Online
February 29, 2016
in Balita
78
Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni EDD K. USMAN

Mainit ang pagtanggap ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ang tanging kandidato sa pagkapangulo sa May 9 elections na naglakas-loob na bumisita sa kampo ng mga rebelde sa Maguindanao.

“No-show” naman sa okasyon sa Camp Darapanan ang katambal ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano, na kilalang kritiko ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na isinusulong ng MILF.

Matatandaan na binansagan din ni Cayetano ang MILF bilang “teroristang grupo” sa pagdinig sa Senado sa madugong Mamasapano massacre noong 2015.

Pinangunahan ni Ghazali Jaafar, MILF vice chairman, ang pagtanggap kay Duterte nitong Sabado.

Sinabi ng MILF na hindi sumipot si Duterte sa Camp Carapanan upang mangampanya kundi para makipagtalakayan sa mga rebeldeng sesesyunista tungkol sa isinusulong niyang federalismo bilang solusyon sa kaguluhan sa Mindanao na tumagal na ng ilang dekada.

“Kung hindi uubra ang federalism, kukumbinsihin ko ang Kongreso na ipasa ang Bangsamoro Basic Law na magiging template para sa federalism,” ani Duterte.

Bagamat hindi nagpakita si MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim sa talakayan ni Duterte sa Peace Process Secretariat Office, sumalubong naman sa alkalde sina Sammy Al Mansor, pinuno ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) at ilang opisyal ng MILF Central Committee, ayon sa ulat ng Luwaran.com.

Tags: alan peter cayetanoelectionsMILF Central Committeerodrigo duterte
Previous Post

TULONG NG JAPAN SA SANDATAHAN, LAGING HANDA PARA SA PILIPINAS

Next Post

Kris, may viewing party para sa finale ng ‘OTWOL’

Next Post
Kris, may viewing party para sa finale ng ‘OTWOL’

Kris, may viewing party para sa finale ng 'OTWOL'

Broom Broom Balita

  • 10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od
  • Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?
  • Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa P1,OOO banknote?
  • Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito
  • Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?
10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

May 17, 2022
Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

May 17, 2022
Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa P1,OOO banknote?

Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa P1,OOO banknote?

May 17, 2022
Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

May 17, 2022
Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

May 17, 2022
Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

May 17, 2022
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.