• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Rated K,’ pasok sa New York Festivals

Balita Online by Balita Online
February 28, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Rated K,’ pasok sa New York Festivals
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Korina at Rochelle copy

NAPILI bilang isa sa finalists ang Rated K ni Korina Sanchez-Roxas sa Biography/Profiles category ng prestihiyosong New York Festivals World’s Best TV & Films para sa espesyal na report ni Koring ukol kay Rochelle Pondare.

Si Rochelle ay isang batang may progreria, isang rare na karamdaman na mabilis ang manipestasyon ng pagtanda sa murang edad ng mga bata.

Tubong Bulacan si Rochelle Pondare, ang kaisa-isang pasyente na may karamdamang progeria sa Pilipinas na umabot ng 15 taong gulang.

Ayon sa mga pag-aaral, maaaring mabuhay ang isang taong may progeria ng 12 hanggang 15 na taon. Halos 144 taon na ang tanda ng katawan ni Rochelle ngunit siya ay masiglang-masigla at mayroon din siyang boyfriend.

Ang isa sa mga pangarap ni Rochelle na magkaroon siya ng bahay at lupa para sa kanyang sarili at sa kanyang ina at ito ay kanyang nakamit sa tulong ng Rated K.

“Ito naman talaga ang dahilan kung bakit namin pinag-iigihan ang bawat episode ng Rated K,” kuwento ng misis ni Mar Roxas. “Nais naming bigyan ng pag-asa ang bawat Pilipino sa pamamagitan mga ekstraordinaryong istorya ng mga ordinaryong Pilipino. Ang mga katulad ni Rochelle ang nagsisilbing isnpirasyon sa amin na ipagpatuloy at pagbutihan pa ang aming trabaho.”     

Nagwagi rin kamakailan ang Rated K, napapanood tuwing Linggo ng gabi, bilang Best Magazine Show at si Korina bilang Best Magazine Show Host sa katatapos na PMPC Star Awards for TV at isa rin ang Rated K sa Top 10 most watched TV shows sa buong bansa ayon sa pinakahuling national survey ng Kantar Media. (ADOR SALUTA)

Tags: Biography ProfilesisapasokRochelle Pondare
Previous Post

Johnson, lalaro sa Miami Heat

Next Post

DSWD, umapela ng tulong ng publiko vs child porn

Next Post

DSWD, umapela ng tulong ng publiko vs child porn

Broom Broom Balita

  • BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand
  • Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’
  • 8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City
  • Alden Richards, pangarap maging daddy
  • Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa
Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak

BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand

May 31, 2023
Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

May 31, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City

May 31, 2023
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

May 31, 2023
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

Pension funds, ‘di gagamitin sa Maharlika Investment Fund — Marcos

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.