Pumunta si Jesus may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa Mga Propeta kaya.”
Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay. Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Baryona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.”
PAGSASADIWA:
Ikaw ang Mesisyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.— Ang tekstong ito ang madalas gamitin upang patunayan ang kapangyarihang taglay ng Santo Papa. Daan taon na ang nagdaan at nanatili pa rin ang banal na tungkulin ng Santo Papa. May mabuti at masamang humawak ng tungkuling ito, subalit hanggang ngayon nananatili itong matatag na tanda ng nakikitang pinuno ng Iglesya.