• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Face-off ng presidentiables sa ‘PiliPinas Debates 2016’ sa GMA-7

Balita Online by Balita Online
February 20, 2016
in Showbiz atbp.
72
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAGHAHARAP-HARAP na ang mga kandidato sa pagkapangulo ngayong Linggo, Pebrero 21, sa Pilipinas Debates 2016 at mapapanood ito nang live sa GMA-7. Dito patutunayan ng presidentiables kung sino sa kanila ang karapat-dapat na maging pinuno ng bansa.
 
Ang Kapuso Network ang maghahatid ng live feed ng presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC) habang ito ay nagaganap sa Capitol University sa Cagayan de Oro City mula 5 PM hanggang 7 PM. Mapapakinggan din ang debate sa Super RadyoDZBB, at magkakaroon naman ng live streaming sa GMA News Online.  

Nagpahayag na ng kumpirmasyon sa pagdalo ang lahat ng kandidato sa pagkapangulo na sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe, at dating DILG Sec. Mar Roxas. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama-sama ang limang presidentiables sa isang debate. Bawat isa ay mabibigyan ng pagkakataon na talakayin ang ilan sa pinakamaiinit na usaping pambansa ngayon — ang peace and order, poverty reduction, at agrikultura.
 
Sina Mike Enriquez at Jessica Soho ang magsisilbing moderators ng nasabing debate at sasamahan sila ni John Nery mula sa Philippine Daily Inquirer. Layunin din ng debate na malaman ng taong-bayan ang posisyon ng bawat kandidato sa iba’t ibang patakaran ng pamahalaan kasama na ang kanilang kaalaman sa mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino.  
 
Ang unang PiliPinas Debates 2016 na ihahatid ng GMA Network ay dadaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang lokal na sektor sa Mindanao kabilang na ang observers mula sa pangunahing media organizations sa Northern at Southern Mindanao.
 
Bukod sa Mindanao, magkakaroon din ang COMELEC ng presidential debates sa Luzon at Visayas, at isang vice presidential debate sa Manila. Layunin ng mga debateng ito na tulungan ang mga botante na kilalaning mabuti ang mga kandidatong tumatakbo para sa dalawa sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Tags: PebreroPilipinas DebatespinunoPM
Previous Post

Triathlon, ibinasura sa 29th SEAG sa Malaysia

Next Post

Unang bugso ng umento, tatanggapin ng gov’t employees

Next Post

Unang bugso ng umento, tatanggapin ng gov't employees

Broom Broom Balita

  • Ogie Diaz, may pinatutsadahan ang mga ‘trolls’
  • ₱20/ kilo ng bigas, imposible — farmers’ group
  • ‘New Government Organization’? Angat Buhay NGO ni VP Leni, umani ng iba’t ibang reaksyon
  • Paul Soriano, ang direktor sa likod ng Bongbong Marcos win
  • Mag-ama, natagpuang patay sa ilog sa Mt. Province
Ogie Diaz, may pinatutsadahan ang mga ‘trolls’

Ogie Diaz, may pinatutsadahan ang mga ‘trolls’

May 16, 2022
₱20/ kilo ng bigas, imposible — farmers’ group

₱20/ kilo ng bigas, imposible — farmers’ group

May 16, 2022
‘New Government Organization’? Angat Buhay NGO ni VP Leni, umani ng iba’t ibang reaksyon

‘New Government Organization’? Angat Buhay NGO ni VP Leni, umani ng iba’t ibang reaksyon

May 16, 2022
Paul Soriano, ang direktor sa likod ng Bongbong Marcos win

Paul Soriano, ang direktor sa likod ng Bongbong Marcos win

May 16, 2022
Mag-ama, natagpuang patay sa ilog sa Mt. Province

Mag-ama, natagpuang patay sa ilog sa Mt. Province

May 16, 2022
Presyo ng turon, iba pang pagkain sa Amanpulo, ikinawindang ng mga netizen

Presyo ng turon, iba pang pagkain sa Amanpulo, ikinawindang ng mga netizen

May 16, 2022
Iza Calzado, tanggap na ang pagkatalo: ‘I now put my faith in the current elected administration’

Iza Calzado, tanggap na ang pagkatalo: ‘I now put my faith in the current elected administration’

May 16, 2022
Zeinab Harake, nasasaktan pa rin sa mga nangyari sa kanila ni Skusta Clee

Zeinab Harake, nasasaktan pa rin sa mga nangyari sa kanila ni Skusta Clee

May 16, 2022
9 lugar sa NCR, Bulacan, makararanas ng water service interruption

9 lugar sa NCR, Bulacan, makararanas ng water service interruption

May 16, 2022
Kris, kinontra ang chikang nag-agaw-buhay na siya: “Masyado kayong advanced… I’m going to fight”

Kris, kinontra ang chikang nag-agaw-buhay na siya: “Masyado kayong advanced… I’m going to fight”

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.