• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

4 na nasawi sa Iraq hotel fire, may benepisyo—OWWA

Balita Online by Balita Online
February 18, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Apat lang sa 13 Pinay massage therapist na nasawi sa sunog sa Capitol Hotel sa Erbil, ang kabisera ng Kurdistan region sa Iraq noong Pebrero 5, ang miyembro at makakukuha ng benepisyo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Lumitaw sa record na hindi kasapi ng OWWA ang siyam sa mga nasawing Pinay kaya hindi makatatanggap ng ayuda ang pamilya ng mga ito mula sa ahensiya.

Makatatanggap ang bawat naulilang pamilya ng mga OWWA member nang P200,000 death benefit at dagdag na P20,000 para sa gastusin sa libing, bukod pa rito ang makukuhang entrepreneurial skills training at educational assistance ng dependents.

Upang matulungan ang pamilya ng siyam na OFW, hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad na kausapin ang employer ng mga biktima para sa tulong-pinansiyal.

Samantala, ang mga naulila ng hindi miyembro ng OWWA ay maaaring makakuha ng ayuda mula sa National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Hapon nitong Pebrero 13 nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga labi ng 13 Pinay, sakay ng Emirates Airways flight EK 332, matapos sagutin ng kanilang employer ang gastusin sa repatriation.

Nadiskubre naman ng DFA na sumailalim sa irregular recruitment channels ang 13 OFW patungong Erbil. (Bella Gamotea)

Tags: ang pamilyang mgaowwaPebrero
Previous Post

PH fighter, sabak sa ONE Championship

Next Post

Tuition fee hike freeze, hiniling ng student group kay PNoy

Next Post

Tuition fee hike freeze, hiniling ng student group kay PNoy

Broom Broom Balita

  • Bilang ng mga Pinoy na bibigyan ng U.S. visa, inaasahang tataas pa!
  • Zack Tabudlo, isiniwalat ang kaniyang mga pinagdaanan
  • Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ
  • Ruby Rodriguez may special message sa TVJ
  • ‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad
Bilang ng mga Pinoy na bibigyan ng U.S. visa, inaasahang tataas pa!

Bilang ng mga Pinoy na bibigyan ng U.S. visa, inaasahang tataas pa!

June 1, 2023
Zack Tabudlo, isiniwalat ang kaniyang mga pinagdaanan

Zack Tabudlo, isiniwalat ang kaniyang mga pinagdaanan

June 1, 2023
Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ

Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ

June 1, 2023
Ruby Rodriguez may special message sa TVJ

Ruby Rodriguez may special message sa TVJ

June 1, 2023
‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

June 1, 2023
Auto Draft

PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’

June 1, 2023
Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

June 1, 2023
Auto Draft

PBBM, target ang 97.5% rice sufficiency sa 2028

June 1, 2023
Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

June 1, 2023
Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.