Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Jesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan pero walang ibang palatandaang ibibigay dito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paano naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ang mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila.
PAGSASADIWA:
Naging palatandaan si Jonas… gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan.—Dinggin at isabuhay ang Salita ng Diyos, si Jesus! Si Jesus nga mismo, ang banal na Salita ng Diyos, ang tinukoy ni Lucas sa kuwento bilang palatandaan ni Jonas na ibinibigay sa masamang henerasyong humihingi ng tanda. Higit pa ang dunong kaysa kay Solomon! Mas dakila pa kaysa kay Jonas!