Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Pagdating ng Anak ng Tao sa kanyang Kaluwalhatian kasama ang lahat niyang mga anghel, uupo siya sa maluwalhati niyang trono. Dadalhin sa harap niya ang lahat ng bansa at parang isang pastol na inihihiwalay niya ang mga tupa sa mga kambing, gayundin niya paghihiwa-hiwalayin ang mga tao.
Ilalagay niya ang mga tupa sa kanan niya at ang mga kambing sa kaliwa. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya: ‘Halikayo, pinagpala ng aking Ama! Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig.
PAGSASADIWA:
Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa sa simula ng daigdig.—Lahat ng ginagawa natin sa lupa ay may kahihinatnan hindi lang sa sarili nating panahon kundi sa Langit. Nagmumula ito sa malalim na pagyakap ni Jesucristo sa ating pagkatao. Kaisa niya ang bawat isa, alam man natin ito o hindi. Kaya kung ano ang pagtrato ng isang tao sa kanyang kapwa, ginawa na rin niya iyon kay Jesus.