Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?”
Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.”
PAGSASADIWA:
Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo?—Nakaugalian na ng mga Judio ang pag-aayuno para magsisi at bumalik sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa. Naging masugid ang mga alagad ni Juan Bautista sa pagtalima sa kalakarang ito dahil na rin sa pangunahing mensahe ng pagsisisi ng kinikilalang propeta.
Pero may taglay na impluwensiya sa gawi at kilos ang presensya ni Jesus.
Malimit makita si Jesus at ang kanyang mga alagad sa mga pagtitipon, handaan at kasayahan. Inihahambing ni Jesus ang kanyang sarili sa nobyong ikinasal, at ang kanyang mga alagad sa mga abay.