• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Pangako Sa ‘Yo,’ magtatapos na sa Biyernes

Balita Online by Balita Online
February 9, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Pangako Sa ‘Yo,’ magtatapos na sa Biyernes
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Daniel at Kathryn copy

HINDI malilimutang episodes ang mapapanood sa finale week ng iconic na teleseryeng Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
 
Magwawakas sa Biyernes ang retelling ng classic Filipino love story, na sunud-sunod ang natatanggap na mga papuri at tagumpay simula nang umere noong Mayo 2015. Isa na rito ang patuloy na pag-angat ng love team nina Kathryn at Daniel at ang naging positibong impact nito sa kani-kanilang career.

“Ang project na ito ang naging stepping stone namin ni DJ (Daniel) para mas maging open sa mature roles. Ito ang perfect project kasi natimpla na, hindi kami binigla na pilit ang pagiging mature, pero makikita mo na nag-grow talaga. ‘Yun naman talaga ang goal, na ibang side ang maipakita sa amin,” pahayag ni Kathryn, gumaganap bilang si Yna sa serye.
 
Nagbalik-tanaw naman si Daniel sa ginawa nilang eksena na hindi niya malilimutan. 

“’Yung trailer na tumatakbo kami sa burol, memorable para sa akin ‘yun, kasi ‘yun ang simula ng lahat. ‘Dun namin na-feel na ito na nga. Legendary ang eksena na ‘yun para gawin namin. Honor ‘yun para sa amin,” ani Daniel.
 
Bukod pa sa karakter nina Daniel at Kathryn, tinangkilik at minahal din ng publiko ang love team nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion. Dahil sa matinding chemistry, nakipagsabayan din sila sa kiligan at pagpapatili sa fans.

Tumatak din sa remake ang tagisan ng acting nina Jodi at Angelica Panganiban bilang sina Amor Powers at Claudia Buenavista. Gaya ng unang Pangako, hindi binigo ng dalawa ang mga manonood sa paglalahad ng emosyong dala ng poot, tapang, at katauhan ng kani-kanilang mga karakter.
 
Sa nalalabing ilang araw ng Pangako Sa ‘Yo, tuluyan nang malalaman nina Amor (Jodi) at Eduardo (Ian) na si Yna at Maria Amor ay iisa, sa kabila ng pagsisikap ni Claudia (Angelica) na itago sa kanila ang katotohanan. Ngunit kasabay ng pagbubunyag nito ang rebelasyong magkapatid sina Yna at Angelo (Daniel), na kamakailan ay nangakong ibibigay ang buong pagmamahal sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib.
 
Lalo pang naging kapana-panabik ang patutunguhan ng pangako ng pag-ibig nina Yna at Angelo sa isa’t isa. 

Inaabangan na kung paano mabubunyag ang katotohanang hindi si Eduardo ang tunay na ama ni Angelo, kundi si Simon (Alex Medina). Masisira pa nga ba ni Claudia ang kaligayahan nina Amor at Eduardo?
 
Sa nakaraang siyam na buwan, patuloy na namamayagpag ang Pangako Sa ‘Yo at gabi-gabi ring panalo sa puso ng mga manonood. Last Tuesday, nakuha nito ang all-time high na national TV rating na 40.6%. PSY din ang kauna-unahang teleseryeng nakakuha ng 1 milyong tweets sa Twitter noong Hunyo 2015 at naging most searched na TV series sa bansa noong 2015, ayon sa search engine na Google Philippines.
 
Kasabay ng pangunguna ng programa ang mga pagkilalang nakuha nina Kathryn at Daniel mula sa iba’t ibang award-giving bodies, kabilang na ang Face of the Year Awards sa Vietnam, RAWR Awards ng LionHearTV, PUSH Awards, ASAP Pop Teen Awards, at ALTA Awards.
 
Bukod pa sa top-selling merchandise ng programa, dinumog din ang cast ng serye sa iba’t ibang mall shows at Thanksgiving Day legs nito sa bansa at maging sa Estados Unidos.
 
Huwag palampasin ang mga huling araw ng classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida. (ADOR SALUTA)

Tags: isaKathrynlovepangako sa yo
Previous Post

Missile defense buildup sa Asia, pinangangambahan

Next Post

3 Pinay fighter, box-off sa Olympic qualifying

Next Post

3 Pinay fighter, box-off sa Olympic qualifying

Broom Broom Balita

  • 5 drug personalities, arestado; drug den, binuwag sa Mabalacat City
  • ‘Anak’ ni Julia Montes, dalaga na; hinangaan ang ganda
  • DepEd, walang planong ibalik ang summer break sa Abril at Mayo
  • ₱2.6M halaga ng cocaine, nasabat; 2 tulak ng droga, arestado
  • Mag-ex na Heart at Echo, muling nagkita; Mr. M, nakipag-reunion sa mga alaga
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.