• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon Editoryal

ANG SUWERTENG HATID NG ANG PAO

Balita Online by Balita Online
February 9, 2016
in Editoryal
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

PAMPASUWERTE raw ang “ang pao”, at ang paglalagay ng pera sa pulang sobre ay nagdadala ng kaligayahan sa mga sasalubong sa Year of the Monkey.

Sa China, ang pulang sobreng may disenyong ginto ay tinatawag na yasui qian (pampigil sa multong salapi), o Lai See sa Hong Kong.

Karaniwan itong ibinibigay sa mga bata ng kanilang mga magulang, lolo at lola, at iba pang kaanak—at isang malaking kabastusan kung bubuksan sa harap ng nagbigay nito. Para sa mga Chinese, ang pula ay simbolo ng lakas, suwerte at pantaboy na rin sa masasamang espiritu.

Batay sa nakaugalian, binibigyan ng sobre ang mga bata sa mismong Chinese New Year, kaya naman inilalagay ito sa ilalim ng unan ng mga bata sa bisperas kapag tulog na sila—na hahanapin naman nila at bubuksan kinabukasan sa kanilang paggising.

Ayon sa tradisyon, kapag kumikita na ang isang tao, ito na ang oras para siya naman ang mamigay ng ang pao sa mga bata. Pero kung wala pang asawa, puwedeng hindi naman mamigay.

Hindi raw dapat mamigay ng pera nang apatan, tulad ng P4, P40, P400, P444 dahil malas ang nasabing numero—nangangahulugan ito ng kamatayan.

Noong panahon ng Qin Dynasty sa China, nilalagyan ng matatanda ng pulang sinulid ang mga barya. Ito raw ang perang pantaboy ng masasamang espiritu (yasui qian) at pinaniniwalaan ding panlaban sa sakit at kamatayan.

Napalitan ang yasui qian ng pulang sobre nang mauso ang imprenta. Sa ngayon, iniimprenta na rin ang katunog na salitang “suì” na ang ibig sabihin ay “old age” sa halip na “evil spirits”—kaya sa modernong panahon, puwedeng ipakahulugan ang ang pao bilang “money warding off old age” o pampabata.

Maraming alamat ang ang pao. Sa isang kuwento, mayroon daw isang barrio na ginugulo ng isang demonyo tuwing gabi at nambibiktima ng mga bata. Hinihipo raw ng demonyo ang noo ng bata at nagkakasakit at namamatay agad ito.

Isang mag-asawa ang nagdesisyong proteksiyunan ang kasisilang nilang anak kaya nagdasal sila sa kanilang Diyos. Nagpadala naman ang Diyos ng walong engkantada para protektahan ang sanggol. Upang maloko ang demonyo, nagpanggap ang mga engkantada na mga bilog na barya na nakalagay sa supot na pula at iniipit sa ilalim ng unan ng bata kapag gabi na. Kapag dumarating ang demonyo, agad silang lalabas ay magliliwanag kaya hindi nahihipo ng demonyo ang noo ng bata.

Kumalat ang balitang walong barya lamang na nakalagay sa supot na pula ang katapat ng demonyo kaya lahat ng bata ay ginawan nila ng maliliit na pulang supot na may lamang walong barya. Mula noon ay kinatakutan na ng demonyo ang pulang supot at walong barya, at huminto na ito sa panggugulo.

Noong una ay mga bata lamang ang binibigyan ng ang pao, ngunit nang lumaon, binibigyan na rin nito ang mga miyembro ng pamilya, kaanak at mga kaibigan, bilang pampasuwerte.

Tags: batademonyokayawalong
Previous Post

Lucky Aces, grand champion sa ‘Dance Kids’

Next Post

Charter Change, ‘di kailangan para umunlad ang bayan –Malacañang

Next Post

Charter Change, ‘di kailangan para umunlad ang bayan –Malacañang

Broom Broom Balita

  • Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world
  • Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng katamtamang ulan dulot ng amihan
  • Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN
  • John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban
  • Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.