• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

56 yrs old retirement age hindi pa hopeless

Balita Online by Balita Online
February 5, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pa nawawalan ng pag-asa ang mga may-akda ng panukalang batas na naglalayong ibaba ang legal na edad ng senior citizen sa 56-anyos, mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Nais ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na maipasa ang House Bill 6340 na aamyenda sa RA 7432 (Senior Citizens Act) na tumutukoy sa isang senior citizen na hindi bababa sa 60 anyos.

“Hindi ko inaasahang maipapasa ito ngayon ngunit tiyak na muli itong ipa-file sa ika-17 Kongreso,” ani Batocabe.

Layon ng HB 6340 na ibaba ang edad sa pagreretiro sa 56 mula sa 60 anyos, at maagang magiging kuwalipikado ang mga ito sa pagtanggap ng mga benepisyong tinatanggap ngayon ng isang senior citizen.

Ayon kay Batocabe, chairman ng House Special Committee on Climate Change, sa panahon ngayon ay nagkakasakit na ang mga edad 56 pataas, kaya kailangan na rin nila ang mga benepisyong sakop ng R.A. No. 7432.

Binigyang diin ng Bicolanong mambabatas na 6.8 porsiyento ng populasyon ng bansa ay mga senior citizen.

Sa panukala, madadagdagan ng 3,000,000 ang kasalukuyang benepisyaryo ng Senior Citizens Act, ngunit dapat ay may sapat itong pondo.

Binanggit din niya na ang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police ay 56. (Ben R. Rosario)

Tags: batasHindina angSenior Citizens Act
Previous Post

P58-B wage hike sa gov’t workers, nasa kamay na ni PNoy—Drilon

Next Post

PPP ACT AT ANG LGU

Next Post

PPP ACT AT ANG LGU

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.