BEIJING (AP) — Naabala ng bibihirang pagpatak ng snow sa central China ang travel rush ng bansa para sa Lunar New Year, itinuturing na pinakamalaking annual human migration.
Problemado ang mga biyahero sa mga naantalang flight at kanselasyon matapos bumagsak ang malakas na snow sa central Hubei province noong Linggo dahilan para magsara ang paliparan sa lungsod ng Wuhan. Kinansela ang 67 flight noong Linggo at maraming flight pa ang naantala o nakansela nitong Lunes dahil sa masamang panahon. Sinabi ng official Xinhua News Agency na 2,000 katao ang stranded sa paliparan.
Inaasahan ang 2.9 bilyong biyahe ng mga Chinese sa loob ng 40-araw, na nagsimula noong Enero 21. Karamihan ay pumatak sa mga linggong malapit sa Pebrero 8, Lunar New Year, sa pagsipag-uwian ng mga migrant worker, estudyante at iba pa sa kanilang mga bayan para magdiwang kasama ang kanilang pamilya.