• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bagong MRT trains, ‘di ligtas gamitin—opisyal

Balita Online by Balita Online
January 23, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaasa ang Department of Transportation and Communication (DoTC) na mapapabuti na ang serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT) sa libu-libong pasahero nito sa pagdating ng mga bagong bagon kamakailan.

Subalit kung ang MRT Holdings, Inc. (MRTH), ang mother company ng MRT Corporation ang tatanungin, sinabi nitong hindi ligtas gamitin ang mga bagong bagon.

“We feel this is a danger to the riding public. Not to mention a danger to the system itself. It might destroy the MRT system itself, that we own,” pahayag ni MRTH Chairman Robert Sobrepeña.

Iginiit ni Sobrepeña na wala ring track record sa paggawa ng kahalintulad na tren ang mga Chinese company na Dalian Locomotive at Rolling Stock Co., Ltd., na nag-supply ng mga bagong bagon.

“That means this is a guinea pig that we are testing… I wouldn’t ride it. I wouldn’t risk my life on an LRV (light rail vehicle) manufactured by a company that’s never made such an LRV,” babala ni Sobrepeña.

Bagamat magsisimula nang bumiyahe ang mga bagong bagon sa loob ng dalawang buwan, sinabi ng MRTH na hindi pa rin nakukumpleto ang test run ng mga bagong bagon.

Aniya, kailangang tumakbo muna ng 5,000 kilometro sa test run sa China ang mga prototype at bagong bagon bago ang mga ito dinala sa Pilipinas, subalit hindi ito naisagawa.

Kinuwestiyon din ni Sobrepeña ang three-year maintenance contract na ipinagkaloob sa Busan Consortium, na kinabibilangan ng Busan Transportation Corporation, Edison Development & Construction, Tramat Mercantile, Inc., TMI Corp. Inc., at Castan Corp.

Aniya, ang mga consortium partner ng gobyerno ay wala ring track record sa aspeto ng mass transportation system.
(CNN Philippines)

Tags: Busan Transportation CorporationInc.LRVng mga
Previous Post

Chess, ipinagbawal ng Saudi cleric

Next Post

Unang AlDub Library, binuksan na sa Lumban, Laguna

Next Post
Unang AlDub Library, binuksan na sa Lumban, Laguna

Unang AlDub Library, binuksan na sa Lumban, Laguna

Broom Broom Balita

  • Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong
  • Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol
  • Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea
  • Idinipensa ng Malacañang: Rodriguez, ‘di sangkot sa ‘illegal’ sugar importation
  • Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!
Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

August 13, 2022
Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, niyanig ng 5.9-magnitude na lindol

August 13, 2022
Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

Vice Ganda, umeksena muli sa isang digital billboard sa Seoul, South Korea

August 13, 2022
Executive Secretary Rodriguez, ‘di nag-resign — Malacañang

Idinipensa ng Malacañang: Rodriguez, ‘di sangkot sa ‘illegal’ sugar importation

August 13, 2022
Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

Maguindanao, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol; aftershocks, inaasahan!

August 13, 2022
Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

August 13, 2022
Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

August 13, 2022
‘Katips,’ ‘Maid in Malacañang’ magtatapat din sa UAE?

‘Katips,’ ‘Maid in Malacañang’ magtatapat din sa UAE?

August 13, 2022
Netizens, pinuri si Sen. Padilla sa batas niya tungkol sa same-sex union

CBCP official, nanindigan na ang pag-iisang dibdib ay dapat sa babae at lalaki lamang

August 13, 2022
Halos ₱9M puslit na sigarilyo, kumpiskado sa Zamboanga City

Halos ₱9M puslit na sigarilyo, kumpiskado sa Zamboanga City

August 13, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.