• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

20 pamilya sa Sampaloc, nasunugan

Balita Online by Balita Online
January 23, 2016
in Balita, Features
0
20 pamilya sa Sampaloc, nasunugan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Blumentritt Fire_Sampaloc Maynila_Metro Manila_22Jan2016-2 copy

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang matupok ang 10 bahay sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jesusa Esguerra sa Barangay 496, Zone 49 sa Blumentritt Street sa Sampaloc, dakong 5:00 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Albert, anak ni Jesusa, na magluluto ang kanyang ina ng almusal na araw-araw nitong ibinebenta nang aksidente nitong maibagsak ang isang super kalan na tumama sa isang gas tank at pinagmulan ng apoy.

Nagtamo si Albert ng first degree burn sa kaliwang tenga nang tinangka niyang apulahin ang apoy, na umabot sa ikalawang alarma.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay, na pawang gawa sa light materials.

Sinabi ng mga imbestigador na nasa P100,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na naapula dakong 5:48 ng umaga. (Argyll Cyrus B. Geducos)

Tags: bahayJesusa Esguerrasunogumaga
Previous Post

HUSTISYANG UMILAP

Next Post

I had to forgive myself for the abortion —Toni Braxton

Next Post

I had to forgive myself for the abortion —Toni Braxton

Broom Broom Balita

  • Homecoming parade para kay Michelle Dee, inanunsyo ng MUPH
  • Sam Smith nakaladkad sa blind item ni Darryl Yap
  • Halos 1,900 motorista, huli sa EDSA bus lane
  • Darren Espanto, nag-sorry sa akting niya sa ‘The Hows of Us’
  • De Lima, hinikayat si PBBM na ibalik ang PH sa ICC
Homecoming parade para kay Michelle Dee, inanunsyo ng MUPH

Homecoming parade para kay Michelle Dee, inanunsyo ng MUPH

December 2, 2023
Sam Smith nakaladkad sa blind item ni Darryl Yap

Sam Smith nakaladkad sa blind item ni Darryl Yap

December 2, 2023
Halos 1,900 motorista, huli sa EDSA bus lane

Halos 1,900 motorista, huli sa EDSA bus lane

December 2, 2023
Darren Espanto, nag-sorry sa akting niya sa ‘The Hows of Us’

Darren Espanto, nag-sorry sa akting niya sa ‘The Hows of Us’

December 2, 2023
Auto Draft

De Lima, hinikayat si PBBM na ibalik ang PH sa ICC

December 2, 2023
Rendon, may mensahe para kay Kathryn: ‘Andito lang ang Kuya’

Rendon, may mensahe para kay Kathryn: ‘Andito lang ang Kuya’

December 2, 2023
Darry Yap flinex usapan nila ni Kelvin Miranda tungkol sa blind item

Darry Yap flinex usapan nila ni Kelvin Miranda tungkol sa blind item

December 2, 2023
Auto Draft

Guro, flinex fashion design ng mga estudyante gamit natural resources

December 2, 2023
LizQuen natsitsika ulit na hiwalay na; netizens, binalikan panayam kay Enrique

LizQuen natsitsika ulit na hiwalay na; netizens, binalikan panayam kay Enrique

December 2, 2023
₱805,000 kush mula U.S., nasamsam sa Clark

₱805,000 kush mula U.S., nasamsam sa Clark

December 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.