• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vice, Angel at Robin, kapalit nina Kris at Ai Ai sa ‘PGT’

Balita Online by Balita Online
January 11, 2016
in Showbiz atbp.
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni REGGEE BONOAN

ANG tindi ng kapalit nina Kris Aquino at Ai Ai de las Alas bilang mga hurado sa Pilipinas Got Talent Season 5 dahil tatlong malalaking artista ang makakasama ni Mr. Freddie Garcia, sina Vice Ganda, Angel Locsin at Robin Padilla.

Naaliw nga kami sa mga narinig naming komento nang ipakita ang teaser sa telebisyon ng mga bagong hurado ng PGT5 habang nasa isang drugstore kami.

“Hala, naging masa na ang PGT, hindi na sosyal, kasi wala na si Kris,” sabi ng kahera.

Hirit naman ng pharmacy assistant, “Okay nga sina Vice, Robin at Angel, kasi makaka-relate sila sa pagdadaanan ng mga contestant kasi ‘tong mga ito (artista), dumaan din sa hirap.”

“Pustahan tayo, comedy ang mangyayari diyan, sasakit lang ulo nu’ng Mr. Garcia,” sabi naman ng supervisor.

Oo nga, Bossing DMB, isandaang porsiyentong comedy ang mangyayari sa PGT lalo na kung hindi maganda ang performances ng contestants, tiyak ookrayin sila ni Vice, saka ipagtatanggol naman nina Robin at Angel at si FMG ay tiyak na idadaan na naman sa ngiti.

Hmmm, magiging maluwag kaya si Vice sa mga bading na contestant lalo na kung siya ang peg?

Gayundin kaya si Robin kapag ginaya naman ang pagiging action star niya?

Siguro naman walang mag-o-audition ng naka-Darna outfit.

Anyway, kuwento sa amin ng taga-production, bagamat pinili na sina Vice, Angel at Robin ay sumalang din daw sila sa look test.

“Maraming napili, pero sa final decision ng management, itong tatlo,” sabi sa amin.

Oo naman, halos lahat ay may mga napatunayan na kaya hindi sila puwedeng kuwestiyunin kung ano ang karapatan nilang maging hurado ng Pilipinas Got Talent, di ba, Bossing DMB?

(Kaabang-abang! –DMB)

Tags: Freddie Garciakasisilavice ganda
Previous Post

Pagkuha ng video sa checkpoint, hindi bawal—Comelec

Next Post

PHI boxers, bigay todo sa Rio Qualifying

Next Post

PHI boxers, bigay todo sa Rio Qualifying

Broom Broom Balita

  • 2 daan sa Metro Manila, isasara muna dahil sa weekend road reblocking, repair
  • Panourin: ‘Little Maria Clara’ Julie Ann San Jose, tawang-tawa habang kumakanta sa Eat Bulaga
  • Rehabilitasyon ng mga nasirang eskwelahan dulot ng lindol sa Davao de Oro, aabot sa ₱7-M
  • ‘Maria Clara at Ibarra’ star David Licauco, pinangarap na makapag-asawa sa edad na 27
  • ‘May magrereklamo ba sa concert?’ Netizens, takang-taka na guest si Raffy Tulfo sa ‘Pinakamakinang’ concert
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.