• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

Dallas, tinalo ang Warriors

Balita Online by Balita Online
January 1, 2016
in Basketball
0
Dallas, tinalo ang Warriors
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Angie Oredo

Dallas NBA (photo for story 2 ) copySinamantala ng Dallas Mavericks ang pagkawala ni 2014 Most Valuable Player Stephen Curry upang ipalasap ang ikalawang kabiguan ngayong season ng nagtatanggol na kampeong Golden State Warriors, 114-91, noong Miyerkules ng gabi sa American Airlines Center.

Pinamunuan ni J.J. Barea sa kanyang itinalang 23-puntos, 3 rebound at 6 na assist ang Dallas para sa kanilang ika-19 na panalo kontra 13 pagkatalo habang nahulog ang Golden State sa 29-2 panalo-talong kartada.

Hindi nakalaro si Curry sa unang pagkakataon sa season bunga ng lower left leg bruise na inaasang magtutulak din sa NBA leading scorer at kasalukuyang MVP para hindi makalaro sa Huwebes kontra Houston.

Ang Warriors (29-2) ang nanatili na may best 31-laro na pagsisimula sa NBA history na mas maganda sa apat na iba pang koponan.

Hindi naman nakayanan ni Klay Thompson, ang kahati sa tinaguriang Splash Brothers, ang pagkawala sa laro ni Curry matapos na magtala ng 4 of 15 para sa 10 -puntos. Nanguna si Ian Clark para sa Warriors na may 21.

Nagtala si Zaza Pachulia ng kabuuang 14- puntos at 15 rebound habang si Dirk Nowitzki ay nagdagdag ng 18 at walong rebound para sa Mavericks na napanalunan ang kanilang ikaapat na sunod na laro kahit hindi kasama ang injured na point guard na si Deron Williams.

Ang 23-puntos na kalamangan ang pinakamasaklap na kabiguan ng Golden State sapul noong malasap ang 31-puntos na kamalasan sa Houston noong 2013. Ang pinakamasaklap nitong pagkatalo ay noong maghabol para sa titulo ng nakaraang taon sa 15.

Nagawa pa ng Mavericks na itala ang 30- puntos abante sa 83-53 mula sa 3-pointer ni Wesley Matthews, na may naitala na 13 -puntos. Hindi na nakaahon pa ang Warriors, na naghabol pa sa huling walong minuto ng unang yugto, matapos ang pinakamalaking kalamangan ng Mavericks.

Samantala, nagtala si LaMarcus Aldridge ng 21- puntos at 12 rebound upang bitbitin ang Spurs sa dominanteng panalo kontra Phoenix Suns, 112-79, para sa kanilang ika-19th na diretsong panalo sa homecourt sa pagsisimula ng season sa AT&T Center.

Naging matagumpay ang San Antonio sa aandap-andap na 2015 kung saan idinagdag nito si Aldridge mula sa free agency upang makabangon mula sa opening round ng playoffs at simulan ang season sa pagtatala ng franchise record home winning streak.

Itinulak din ng Spurs ang kanilang franchise-record home winning streak sa kabuuang 28 diretsong laro simula pa noong nakaraang season sa pagpigil sa Suns sa ilang record sa pinakamababa sa season.

Ang Phoenix, na nalasap ang ikaanim na sunod na pagkatalo, ay itinala ang season low sa kabuuang puntos, pati sa first-half points (33) at punts sa unang yugto (12).

Nag-ambag naman si Kawhi Leonard ng 19- puntos, si Manu Ginobili ay may 13 at Tony Parker ay nagtala ng 12- puntos at pitong assist sa San Antonio na umangat sa 28-6 panalo-talong kartada.

Hindi nakalaro si Tim Duncan sa ikatlong sunod na laban dahil sa namamaga na kanang tuhod.

Tags: laroMiyerkules ng gabinagtalasan antonio
Previous Post

3 bayan sa Australia, pinalikas sa bushfire

Next Post

Bill Cosby, nagpiyansa ng $1M sa sexual abuse

Next Post
Bill Cosby, nagpiyansa  ng $1M sa sexual abuse

Bill Cosby, nagpiyansa ng $1M sa sexual abuse

Broom Broom Balita

  • BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon
  • PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker
  • Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’
  • Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan
  • Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon

August 16, 2022
PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

August 16, 2022
Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

August 16, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan

August 16, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!

August 16, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

August 16, 2022
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na

August 16, 2022
Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

August 16, 2022
‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay  Atty. Vince

‘Post your cinema list!’ Direk Darryl may challenge #2 para kay Atty. Vince

August 16, 2022
Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

Chel Diokno, dinog show ang sarili? ‘Akala ko sa College of Dentistry ako maha-hire!’

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.