• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Biggest sports news, sasariwain sa ‘Trending #Galing: 2015 Sports Year Ender’

Balita Online by Balita Online
December 30, 2015
in Showbiz atbp.
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAGING masagana at makulay ang taong 2015 na sasariwain ng ABS-CBN Sports sa Huwebes (December 31) at Biyernes (January 1). Babalikan ng ABS-CBN Sports ang lahat ng aksiyong naganap sa year-end special na Trending #Galing: 2015 Sports Year Ender na mapapanood sa ABS-CBN Sports + Action simula 10 PM. Itatampok sa special na ito ang tambalang Benjie Paras, na isa sa mga anchor ng NBA sa Dos at ng former women’s volleyball hotshot ng Ateneo na si Gretchen Ho.

Babalikan ang mga tagumpay ng Pinoy boxing heroes tulad ng pagbabalik sa kampeonato ng reigning IBO Superbantamweight champion na si Nonito Donaire, at ang patuloy na pagsikat ng hindi pa natatalong si Prince Albert Pagara ng ALA Gym. Hindi rin dapat kalimutan ang isang taon na namang naidagdag sa pamamayagpag ni Donnie “Ahas” Nietes sa Featherweight division ng boksing at ang pagkilala sa kanya ng tinaguriang bibliya ng boksing na Ring Magazine.

At sino nga ba ang makakalimot sa pinakamalaking laban ng taon? Babalikan din ng special ang tinaguriang “Fight of the Century” na kinatampukan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. Muling sariwain ang kuwento ng UAAP champions FEU Tamaraws at NCAA champions Colegio de San Juan de Letran Knights sa kanilang pagtapos sa 10-year title drought nang manalo sa kani-kanilang ligang kinabibilangan.

Panoorin muli ang makapigil-hiningang bakbakan ng Golden State Warriors at ng Cleveland Cavaliers sa nakaraang NBA Finals kung saan naging usap-usapan din ang pagbabalik ni LeBron James sa kanyang unang koponan. Hindi rin pahuhuli si Fil-Australian Jason Day na nagkampeon sa PGA Tour. Nariyan din ang napakagandang laban ng dating UFC Women’s Champ Ronda Rousey, kasama na ang kanyang brutal na knockout loss sa dating women’s boxing star na si Holly Holm.

Hindi rin makakalimutan ng marami ang pagiging one-punch man ni Connor McGregor nang tapusin niya ang paghahari ni Jose Aldo, Jr. sa Featherweight division ng UFC, at ni minsan ay hindi pa natalo sa loob ng isang dekada. Tutok na sa 2-part special “Trending #Galing: 2015 Sports Year Ender na iho-host nina Benjie Paras and Gretchen Ho sa ABS-CBN Sports + Action bukas at sa Biyernes (January 1).

Tags: benjie parasGretchen HoRing MagazineTrending Galing
Previous Post

ISANG LEGACY BUDGET? ISANG ELECTION BUDGET?

Next Post

Sobrang seloso, nagbigti

Next Post

Sobrang seloso, nagbigti

Broom Broom Balita

  • PBBM sa pagtanggi ng ICC sa apela ng PH hinggil sa drug war: ‘We are disengaging’
  • Pari na suspek sa umano’y panggagahasa ng choir member sa simbahan, timbog
  • PCSO lotto draw ngayong Martes, mailap sa suwerte, bokya sa jackpot ang mananaya
  • Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City
  • Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.