• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

130 kilo ng marijuana, nasabat sa NLEX

Balita Online by Balita Online
December 21, 2015
in Probinsya
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakumpiska ng pulisya ang may 130 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na ide-deliver sana sa Metro Manila mula sa isang hinihinalang plantasyon sa Benguet.

Ayon kay Chief Supt. Victor Deona, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), hinarang ng kanyang mga tauhan ang van sa North Luzon Expressway (NLEX), sa bahagi ng Balintawak, dakong 8:30 ng umaga kahapon.

“Halos punumpuno ‘yung van ng dried marijuana leaves. Siguradong for distribution ‘yun dito sa Metro Manila,” sinabi ni Deona sa may akda.

Ang driver ay kinilalang si Moises Simsim, na may kasamang isang 16-anyos na lalaki, na pinaniniwalaang anak nito.
Sinabi ni Deona na ang operasyon ay batay sa tip ng isang taga-Benguet tungkol sa pagde-deliver sa Metro Manila ng daan-daang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

“Binuntunan ng ating mga operatiba ang target vehicle mula sa La Trinidad, Benguet hanggang sa Balintawak sa Quezon City,” ani Deona.

Napilitang sumuko si Simsim matapos na pilitin siya ng mga operatiba ng CIDG, at ilang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG), na pahintuin ang van.

“Dagdag kaso sa kanya (Simsim) ito kasi gumagamit siya ng menor de edad sa ilegal niyang aktibidad,” ani Deona.

Dinala na sa tanggapan ng CIDG-National Capital Region sa Camp Crame sa Quezon City ang 130 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana para sa imbentaryo. Nabatid na ang bawat kilo ng marijuana ay nagkakahalaga ng P100,000 hanggang P110,000. (AARON RECUENCO)

Tags: marijuanametro manilanlexquezon city
Previous Post

‘SILENT NIGHT,’ IMORTAL CHRISTMAS CAROL

Next Post

Mahabang bakasyon para sa SC employees

Next Post

Mahabang bakasyon para sa SC employees

Broom Broom Balita

  • Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens
  • Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad
  • Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay
  • Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’
  • P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga
Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens

Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens

August 10, 2022
Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

Ivana Alawi, namahagi ng 8,000 grocery bags, P1.2M cash, sa ilang mahirap na komunidad

August 10, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Umano’y motornapper sa Nueva Ecija, arestado matapos kuyugin ng ilang tambay

August 10, 2022
Tanada, ginagapang ang ‘Katips,’ nakapagpareserba na ng 51 sinehan nationwide

Nilangaw ang ‘Katips?’ Sey ni Tañada: ‘Kung flop dapat wala na kami sa sinehan’

August 10, 2022
Higit P3M halaga ng shabu, nasamsam sa 2 suspek sa Ilocos Norte

P3.4M halaga ng shabu na ipadadala sana sa QC, nasabat sa Zamboanga

August 10, 2022
Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

Tim Connor, sinagot na ang akusasyong ‘adultery’ ni Victor Consunji

August 10, 2022
Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

Resibo queen? Maggie, patuloy na idinidiin ang umano’y pangangaliwa sa kaniya ni Victor

August 10, 2022
Auto Draft

Ricky Lee, Gina Alajar, Juday, patuloy na nagpakita ng suporta sa ‘Katips’

August 10, 2022
Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan next week

August 10, 2022
Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.