• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pamilya ni Jennifer Laude, dumulog sa SC

Balita Online by Balita Online
December 18, 2015
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hiniling ng pamilya ng napatay na Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude sa Korte Suprema na ipag-utos ang paglipat ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City mula sa kasalukuyang piitan nito sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa isang petisyon, hiniling din ng pamilya Laude sa Korte Suprema na itigil ang pagpapatupad ng kasunduan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Correction (BuCor) tungkol sa lugar na roon ikukulong si Pemberton.

Sa ilalim umano ng naturang kasunduan, ikukulong si Pemberton sa Expeditionary Holding Facility sa Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) compound sa Camp Aguinaldo bilang isang “interim extension” ng pasilidad, habang inihahanda ang AFP Custodial Center ang paglilipatan ng Amerikanong sundalo sa loob din ng kampo.

Hinatulan si Pemberton ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) sa kasong homicide na may parusang anim hanggang 12 taong pagkakakulong kaugnay ng pagpatay sa Pinoy transgender.

Bagamat ipinag-utos ng korte na ikulong si Pemberton sa NBP, binago ito base sa umiiral na kasunduan ng Pilipinas at Amerika na ikulong siya sa AFP Custodial Center.

Ayon sa pamilya ng biktima, dapat ideklarang “unconstitutional” ang kasunduan dahil walang statutory authority ang BuCor upang magtalaga ng bagong lugar na pagpipiitan kay Pemberton bukod sa NBP at sa iba pang national penal institution sa bansa. (Rey G. Panaligan)

Tags: korte supremapamilyaPembertonPinoy
Previous Post

OKay SI ROXAS

Next Post

Truck nahulog sa bangin, 2 sundalo patay

Next Post

Truck nahulog sa bangin, 2 sundalo patay

Broom Broom Balita

  • Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.