• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘Written in Our Stars,’ tungkol sa guardian angels

Balita Online by Balita Online
December 13, 2015
in Features, Showbiz atbp.
0
‘Written in Our Stars,’ tungkol sa guardian angels
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sam, Toni, Piolo & Jolina copy

NAPANOOD namin sa social media ang full trailer ng Written In Our Stars teleserye na nakatakdang umere sa 2016, bida sina Piolo Pascual, Sam Milby, Jolina Magdangal at Toni Gonzaga mula sa direksiyon ni Andoy Ranay, handog ng Dreamscape Entertainment.

Parang pelikula ang trailer, Bossing DMB, kaya talagang tinapos namin pero nabitin kami. Tungkol pala ito sa guardian angels.

Sa unang eksenang ipinakita ay nasa Baguio sina Piolo at Jolina na may sariling farm at naaalala namin sa ganitong eksena ang pelikulang Don’t Give Up On Us na huling pelikula nina PJ at Judy Ann Santos noong 2006 dahil long hair din ang aktor na si Binibining Joyce Bernal ang nagdirek.

Sa ikalawang eksena, ipinakita naman sina Toni at Sam at sinasabi ng huli na bigyan siya ng isa pang chance. Ibig sabihin, ex-boyfriend ng aktres ang binata.

Hmmm, alam mo ba, Bossing DMB na nangyari ito in real life? Hindi lang namin alam kung bakit hindi inamin ni Toni na naging boyfriend niya si Sam, at younger pa sila noon.

Anyway, sa ikatlong eksena ay may-ari na ng restaurant si Toni sa Baguio/Sagada at super rich na, pero masama ang ugali niya kaya hindi siya gusto ng lahat ng mga empleyado niya.

Dito nakilala ni Toni si Piolo, na nagrereklamo sa restaurant dahil sa maling waste disposal na nakakaapekto sa farm niya.

Natulala si Piolo nang makita si Toni, at simula noon ay lagi nang nagkukrus ang mga landas nila. Sa huli ay ikinasal sila at nagkaroon ng anak na lalaki, si Marco Masa na mas kilala bilang si Nathaniel.

Love life lang pala ang magpapabait kay Toni, kaya manghang-mangha ang mga empleyado niya na nag-iba ang ugali ng boss nila.

Pero maagang kinuha ni Lord si Piolo, at naalala namin ang pelikulang Ghost nina Patrick Swayze at Demi Moore dahil binabantayan ng aktor ang mag-ina niya, ayon na rin sa bilin ni San Pedro na ginagampanan ni Buboy Garovillo, dahil naliligaw daw ang kaluluwa ni Toni at kailangang itama ng direksyon.

Sa isang program sa school ng anak ay nagkuwento si Marco kung paano nagkakilala ang magulang niya na pinagtakhan ni Toni dahil paano nalaman ng anak ang lahat ng tungkol sa buhay niya gayong baby pa ito nang pumanaw ang tatay nito.

Kaya nabanggit ng bata na kuwento iyon ng daddy niya.

So, bitin na bitin, di ba, Bossing DMB?

At hindi pa malinaw kung ano ang papel ni Sarah Lahbati sa Written In Our Stars at sa buhay ng mag-inang Toni at Marco.

Magkakabalikan kaya sina Toni at Sam sa kuwento? (Reggee Bonoan)

Tags: alamkayapiolo pascualToni
Previous Post

Dalawang OT para sa 24-0 ng Warriors

Next Post

IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO

Next Post

IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO

Broom Broom Balita

  • Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case
  • Certified trending! ‘BarDa’ tampok sa MV ng ‘The Way You Look At Me’ Ben&Ben version
  • 1,298 bagong Covid-19 cases sa Pilipinas, naitala mula Marso 20-26
  • Bawas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na sa Marso 28
  • Sold-out concert ni Sarah G, ikinumpara sa naging concert din ni Toni G: ‘Yan ang tunay na powerful’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.