• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Budol-Budol’ member, naaresto dahil sa special child

Balita Online by Balita Online
December 10, 2015
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dahil sa 22-anyos na babae na isang special child, nadakip ng mga pulis ang isang ginang na miyembro umano ng “budol-budol” gang sa Valenzuela City, noong Martes ng umaga.

Swindling at estafa ang kinakaharap na kaso ni Cristina Alieger, 41, ng No. 14-A, Pudue Street, Cubao, Quezon City.

Ayon kay SPO2 Lorena Hernandez, officer-in-charge ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, unang biniktima ng suspek si Collette Aliling, 14, ng Sitio Kabatuhan, Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Kuwento ni Aliling, dakong 9:00 ng umaga, naghatid siya ng pagkain sa kanyang kapatid sa St. Bernadette College of Valenzuela sa Gen. T. De Leon.

Nilapitan siya ni Alieger at nakisuyo na magpasukat ng gown sa tailoring shop na malapit sa nasabing paaralan.

Habang sinusukatan ang dalagita, hiniram nito ang cellphone ng una at sinabing tatawagan ang anak hanggang sa nawala na lang ito sa paningin ng biktima at tangay na ang kanyang cellphone.

Bandang alas-11:00 ng tanghali, biniktima naman ni Alieger ang special child na si Jhomnel An Cereno, 22, ng Arbor Town, Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Kinausap umano at nilibang ng suspek si Cereno at ng malingat ay kinuha nito ang bag ng huli, pero hindi ito nagpaloko at hinabol niya ang babae.

Tiyempo namang parating ang mga pulis ng Police Community Precinct (PCP) 2 at inaresto ang suspek. (Orly L. Barcala)

Tags: cellphonepulisumagavalenzuela city
Previous Post

Donaire, gusto muling makalaban si Rigondeaux

Next Post

ABS-CBN, ‘di pa rin matinag

Next Post

ABS-CBN, 'di pa rin matinag

Broom Broom Balita

  • Andoy Ranay, may sagot sa bashers na nagkukumpara sa ‘Dirty Linen’ at ‘Widow’s Web’
  • Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaking isda sa Cagayan
  • Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua
  • Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day
  • ‘Don’t let words bring you down!’ Martin Nievera, nagbigay ng moral support kay Jed Madela
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.