Nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagturo siya sa kanilang mga sinagoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.”
Ipinahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit.’ Ibigay n’yo nang walang bayad ang tinanggap n’yo na walang bayad.”
PAGSASADIWA
Ipinahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: “Palapit na ang Kaharian ng Langit.”… Ibigay n’yo nang walang bayad ang tinanggap n’yo na walang bayad.”—Sa konteksto ng Ebanghelyo, ang Kaharian ng Diyos ay isang lipunan na sinusunod at ginaganap ang kalooban ng Diyos tulad ng nagaganap sa Langit. Bukod tanging Panginoong Jesus lamang ang sumunod nang buong ganap sa kalooban ng Diyos, kaya sa pagdating niya, dumating rin sa lupa ang Kaharian ng Diyos.