• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Ravena, UAAP back-to-back MVP

Balita Online by Balita Online
November 20, 2015
in Features, Sports
0
Ravena, UAAP back-to-back MVP
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

UAAP Ateneo vs UP_04_Sarmiento_051115 copy

Tiyak nang makakamit ni reigning MVP Kiefer Ravena ang kanyang ikalawang sunod na Most Valuable Player award sa pagtatapos ng ginaganap na UAAP Season 78 men’s basketball tournament.

Ito’y matapos na manguna ang Ateneo skipper sa statistical points batay na rin sa inilabas ng official statistician ng liga na Imperium Technology kahapon.

Nagtala si Ravena na siya ring tinanghal na league leading scorer at league assist leader sa kanyang itinalang 18.9 puntos at 4.9 assists kada laro ng kabuuang 69.000 statistical points upang muling tanghaling MVP ng Season 78.

Siya ang ika-10 back-to-back MVP ng liga kasunod ni Ray Parks ng National University noong 2012 at 2013 at pinakahuling Ateneo player na nakapag-back-to-back MVP sa liga kasunod ni Rich Alvarez noong taong 2000 at 2001.

Inungusan ni Ravena ang kapwa niya Gilas cadet na si Kevin Ferrer ng kasalukuyang league leader University of Santo Tomas na pangatlo sa leading scorer sa itinala nitong average na 17.9 puntos na nakalikom ng kabuuang 67.3571 statistical points.

Pumangatlo naman sa kanila si National University foreign center at last year’s Final’s MVP na si Alfred Aroga, ang league leading shotblock artist na may average na 1.7 blocks kada laro na nakapagtala ng kabuuang 63.2857 SP’s.

Nasa ikaapat na puwesto naman si Jeron Teng, ang league second leading scorer sa average nitong 18.3 puntos na may natipong 60.7857 SP’s habang kinumpleto naman ng co-captain ni Ferrer sa Tigers na si Ed Daquioag ang league 4th leading scorer sa average nitong 16.4 puntos ang Mythical Team ngayong taon matapos magtala ng kabuuang 60.5714 SP’s.

Kasunod naman nila sa ikaanim na puwesto ang Cameroonian center ng Adamson na si Pape Sarr, ang league leading rebounder sa itinala nitong 13.4 rebounds na may kabuuang 58.2857 statistical points, pangpito ang beteranong sentro ng UST na si Karim Abdul na may 57.4286 SP’s, pangwalo si Gelo Alolino ng National University (55,7143 SP’s) at magkasunod sa ikasiyam at ika-sampung puwesto ang 1-2 punch ng Far Eastern University na sina Mac Belo (54.2857) at Mike Tolomia ( 50.2857).

Nangunguna naman bilang steals leader si Edison Batiller ng University of the East na may average na 2.1 steals kada laro kung saan pangatlo si Ravena na may average na 1.2.

Samantala, inungusan ni Andrei Caracut ng La Salle na nagtapos na ika-29 si Marvin Lee ng UST na siya namang ika-30 sa labanan para sa Rookie of the Year honors matapos makalikom ng kabuuang 31.6667 statistical points kumpara sa 31.4286 ng huli. (Marivic Awitan)

Tags: basketball tournamentbilangNational Universityuaap
Previous Post

Walang ‘overkill’ sa APEC security –PNP

Next Post

Carlo J. Caparas, todo papuri sa kahusayan ni Andi Eigenmann

Next Post
Carlo J. Caparas, todo papuri sa kahusayan ni Andi Eigenmann

Carlo J. Caparas, todo papuri sa kahusayan ni Andi Eigenmann

Broom Broom Balita

  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.