• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

KAHIRAPAN AY ‘DI HADLANG SA PAGTULONG

Balita Online by Balita Online
November 7, 2015
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ISANG gabi noong nakaraang taon, na-stranded ang isang bagong kasal sa isang masukal na kalsada dahil sa malakas na buhos ng ulan. Hindi na nila magawang patakbuhin pa ang sasakyan kaya’t lumabas sila mula rito at tumakbo patungo sa isang munting bahay.

Nang sila’y makarating sa bahay, nakilala nila ang isang matandang mag-asawa. Ipinaliwanag nila ang nangyari sa kanila at tinanong ng lalaki ang dalawang matanda na may-ari ng bahay: “Maaari ba kaming magpalipas ng gabi dito kasama kayo? Puwede kaming matulog sa sahig o sa silya.”

Dahil sa nalamang kalagayan, sinabi ng matandang babae na, “Bakit naman hindi. May isa pang bakanteng kuwarto.”

Kinaumagahan, maagang gumising ang bagong kasal at naghandang umalis nang hindi naiistorbo ang matandang mag-asawa.

Tahimik silang nagbihis, naglagay ng P500 sa tokador ng dalawang matanda, at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Nang kanilang buksan ang pintuan sa sala, natagpuan nila ang matandang mag-asawa na natutulog sa upuan. Nalaman nilang inilaan sa kanila ng dalawang matanda ang nag-iisang kuwarto sa naturang bahay.

Ang unang aral na mapupulot sa istorya ay hindi mo kinakailangang maging mayaman upang makatulong sa mga taong nangangailangan. May mga taong nagsasabing, “Tutulong ako sa iba kapag naging mayaman na ako o kaya ay kapag nanalo ako sa lotto”

o “kapag natanggap ko na ang aking pension.”

Ang tanong, paano kapag hindi ka naging mayaman o hindi ka manalo sa lotto o kaya ay namatay ka bago magretiro sa trabaho, ibig sabihin hindi ka tutulong sa iyong simbahan o sa mga kapos-palad?

Mayaman man o mahirap, hinihinmok tayong maging matulungin sa mga nangangailangan ayon na rin sa turo ng Panginoon.

May ilang mga tao, halimbawa, na nagdo-donate ng mga gamit na bagay sa mga mahihirap o biktima ng mga bagyo. Ayos lang ‘yon. Ngunit ang iba ay naghahandog ng ilang bagay na hindi na halos maaaring gamitin. Ang sapatos ay may butas at ang mga damit ay parang basahan na at may amoy pa.

PARA SAAN? Kapag nag-donate tayo ng pera sa isang charity, ano ang tunay nating motibo? Ito ba ay dahil nais nating makilala ang pangalan natin, ng ating pamilya o ating kinabibilangang kumpanya? Nagdo-donate ba tayo sa charity dahil ito ay “tax deductible”? O kaya naman, nagbibigay tayo ng regalo sa ating boss dahil may nais tayo kapalit tulad ng pagtaas ng suweldo o promotion?

Ayon sa itinuro sa atin, “When you give something to a needy person, do not make a big show of it as the hypocrites do” (Mt 6,2). (Fr. Bel San Luis, SVD)

Tags: ano angkasalnatingnila
Previous Post

Wanted sa pang-aabuso, arestado

Next Post

2 bangkay, natagpuan sa irrigation canal

Next Post

2 bangkay, natagpuan sa irrigation canal

Broom Broom Balita

  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.