• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

UST target ang Top 2, Ateneo target ang Final Four berth

Balita Online by Balita Online
November 4, 2015
in Sports
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga laro ngayon
Araneta Coliseum
2 p.m. UST vs. UE
4 p.m. UP vs. Ateneo

Dodoblehin ang puwersa ng University of Santo Tomas (UST) para masungkit ang top 2 para sa kanilang target na twice-to-beat incentive habang pipilitin naman ng Ateneo de Manila na makalapit sa inaasam-asam na Final Four berth sa pagsabak nila sa magkahiwaly na laban ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Sa ngayon, nasa ikalawang puwesto ang Growling Tigers kasunod ng nangunguna at kapwa nila semifinalist na Far Eastern University (FEU) hawak ang barahang 9-2, panalo-talo, habang nakabuntot sa kanila ang Blue Eagles na may barahang 7-4, panalo-talo.

Maglalaban ang Tigers at University of the East (UE) Red Warriors ganap na 2:00 ng hapon habang ang Blue Eagles naman at season host University of the Philippines (UP) sa ganap na 4:00 ng hapon.

Magkasalo sa kasulukuyan sa ikalimang puwesto ang Red Warriors at Fighting Maroons na may barahang 3-7,panalo-talo, dalawang panalo ang pagkakaiwan sa sinusundan nilang National University(NU) na may barahang 5-7, panalo-talo.

Buhay pa ang pag-asa ng dalawang koponan basta magawa lamang nilang walisin ang nalalabing apat na laban kabilang ang mga laro ngayong hapon at umasang hindi lalagpas sa anim na panalo ang mga sinusundang La Salle (5-6) at NU.

Bagamat tinalo na nila noong first round, ayaw magkumpiyansa ni UST coach Bong de la Cruz sa kanilang tsansang muling talunin ang Red Warriors.

“Nakita naman natin kung paano kami pinahirapan ng UE noong first round at siyempre siguradong doble pa dun ang gagawin nila para makabawi.Kaya kailangan talaga handa kami,” pahayag ni de la Cruz.

Galing naman sa dalawang malaking panalo kontra UST at NU, tatangkain ng Blue Eagles na maitala ang pinakamahabang winning streak ngayong season sa pagtutuos nila ng Maroons na tinalo na nila noong first round, 56-43.

Inaasahan ding naka-recover na mula sa natamong sprained ankle si King Eagles Kiefer Ravena para muling pamunuan ang Blue Eagles sa tangka nitong ikawalong panalo. (MARIVIC AWITAN)

Tags: angBlue Eagleshaponnila
Previous Post

P626-M bonus ng GOCC officials, employees, ipinasasauli

Next Post

Ryan Christian, pang-matinee idol na ang dating

Next Post
Ryan Christian, pang-matinee idol na ang dating

Ryan Christian, pang-matinee idol na ang dating

Broom Broom Balita

  • Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey
  • Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand
  • Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey
  • Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon
  • Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw
Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey

Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey

June 28, 2022
Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand

Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand

June 28, 2022
Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey

Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey

June 28, 2022
Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon

Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon

June 28, 2022
Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

June 28, 2022
Toni Gonzaga, inatasang kantahin ang Pambansang Awit sa inagurasyon ni PBBM

Toni Gonzaga, inatasang kantahin ang Pambansang Awit sa inagurasyon ni PBBM

June 28, 2022
ALAMIN: Magkano ang kinakailangang kitain ng isang Pilipino upang maging ‘masaya’ ito?

NCR, mananatili sa Alert Level 1 hanggang Hulyo 15

June 28, 2022
Chikang buntis si AJ, fake news; nakikipagbakbakan kay Kiko Estrada sa action movie

Chikang buntis si AJ, fake news; nakikipagbakbakan kay Kiko Estrada sa action movie

June 28, 2022
Bea, game makipagtrabaho kay Zanjoe maliban sa isang ex-jowa: ‘Isa lang naman ayokong ex!’

Bea, game makipagtrabaho kay Zanjoe maliban sa isang ex-jowa: ‘Isa lang naman ayokong ex!’

June 28, 2022
Dani Barretto, nagbahagi ng makahulugang IG story tungkol sa ‘healing’ at ‘survival’

Dani Barretto, nagbahagi ng makahulugang IG story tungkol sa ‘healing’ at ‘survival’

June 28, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.