• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Dagdag Balita

Binata, patay sa anti-crime campaign

Balita Online by Balita Online
November 4, 2015
in Dagdag Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang 18-anyos na lalaki ang namatay sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Station 5 sa Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw.

Namatay sa Justice Jose Abad Santos General Hospital si Mheds Manunggal, tubong Cotabato, at nakatira sa bahay ng kanyang pinsan sa Block 8, Baseco Compound, Port Area, Manila, dahil sa tama ng bala sa likod.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng MPD-Homicide Section, dakong 3:00 ng madaling araw nang salakayin ng mga tauhan ni MPD-Station 5 Commander P/Supt. Albert Barot ang lugar katuwang ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDGF), Highway Patrol Group (HPG) at National Capital Region Police Office (NCRPO).

Bitbit ang search warrant, hinalughog ng mga awtoridad ang ilang tahanan sa lugar na hinihinalang pinag-iimbakan ng mga ilegal na armas at carnapped na motorsiklo.

Habang nasa Block 9, biglang nagpaputok ng baril si Manunggal dahilan para gumanti ng putok sina PO1 Mark Balongay at PO2 Melvin Jara Balbag at tamaan ito.

Itinanggi ni Sitti Ibrahim, pinsan ni Manunggal, ang ulat at sinabing hindi marunong humawak ng baril ang kanyang pinsan at nadamay lamang ito. Baguhan lang din aniya sa kanilang lugar si Manuggal na ‘dumating’ noong Setyembre 27 upang mag-ayos ng mga dokumento para magtrabaho sa ibang bansa.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na iba’t ibang klase ng baril at 80 gramo ng shabu sa lugar. May walong motorsiklo rin ang kinuha ng mga ito para beripikahin kung ang mga ito ay carnap. (Mary Ann Santiago)

Tags: angmadaling arawng mgapatay
Previous Post

Ryan Christian, pang-matinee idol na ang dating

Next Post

PANGULONG CARLOS P. GARCIA: ‘ISTRIKTOng MGA PROGRAMA, PILIPINO MUNA, PAGPAPASIGLA SA KULTURA’

Next Post

PANGULONG CARLOS P. GARCIA: 'ISTRIKTOng MGA PROGRAMA, PILIPINO MUNA, PAGPAPASIGLA SA KULTURA’

Broom Broom Balita

  • P281M, hindi napanalunan; Grand Lotto 6/55 jackpot prize, lolobo ng P295M! — PCSO
  • Bandang LILY, naghahanap ng pangalan para sa bago nitong bokalista: ‘Yung tunog nag-i-stay’
  • Anabelle sa isang kilalang negosyanteng may utang sa kaniya: ‘Ang kapal ng mukha, 3 years na!’
  • Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey
  • Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand
P281M, hindi napanalunan; Grand Lotto 6/55 jackpot prize, lolobo ng P295M! — PCSO

P281M, hindi napanalunan; Grand Lotto 6/55 jackpot prize, lolobo ng P295M! — PCSO

June 28, 2022
Bandang LILY, naghahanap ng pangalan para sa bago nitong bokalista: ‘Yung tunog nag-i-stay’

Bandang LILY, naghahanap ng pangalan para sa bago nitong bokalista: ‘Yung tunog nag-i-stay’

June 28, 2022
Anabelle sa isang kilalang negosyanteng may utang sa kaniya: ‘Ang kapal ng mukha, 3 years na!’

Anabelle sa isang kilalang negosyanteng may utang sa kaniya: ‘Ang kapal ng mukha, 3 years na!’

June 28, 2022
Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey

Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey

June 28, 2022
Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand

Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand

June 28, 2022
Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey

Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey

June 28, 2022
Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon

Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon

June 28, 2022
Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

Jed, sinabihang ‘tanga’ at ‘bobo’; kinanta sa thanksgiving event ni PRRD, pampatay raw

June 28, 2022
Toni Gonzaga, inatasang kantahin ang Pambansang Awit sa inagurasyon ni PBBM

Toni Gonzaga, inatasang kantahin ang Pambansang Awit sa inagurasyon ni PBBM

June 28, 2022
ALAMIN: Magkano ang kinakailangang kitain ng isang Pilipino upang maging ‘masaya’ ito?

NCR, mananatili sa Alert Level 1 hanggang Hulyo 15

June 28, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.