Sinabi kay Jesus ng isa sa mga inanyayahan: “Mapalad ang makakasalo sa bangkete ng Kaharian ng Diyos!” Sumagot si Jesus: “May isang taong naghanda ng isang malaking bangkete at marami siyang kinumbida. Sa oras ng handaan, pinapunta niya ang kanyang katulong para sabihin sa mga imbitado: ‘Tayo na’t handa na ang lahat. Sinabi ng una:
‘Bumili ako ng bukid at kailangan kong pumunta para tingnan iyon. Pasensya ka na.’ Sinabi naman ng isa: ‘Bumili ako ng limang pares na bakang pang-araro at pasusubukan ko ang mga ito. Pasensya ka na.’ Sinabi ng isa pa: ‘Bagong kasal ako kaya hindi ako makakapunta.’
PAGSASADIWA
Lumabas ka sa mga daan at mga bakuran at pilitin mong pumasok ang mga tao para mapuno ang bahay ko.— Nasa handaan si Jesus noon bilang panauhin ng isang pinuno ng mga Pariseo. Lihim siyang pinintasan ng ibang mga imbitado kaya’t ikinuwento niya ang talinhaga ng malaking handaan. Ang mga taong unang inanyayahan sa handaan ay mapagmataas at lubhang abala sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sarili; mapagmataas sila kaya’t hindi nila mapaunlakan ang imbitasyon, ibang tao ang inanyayahan para dumalo sa handaan.