• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte sa nasa likod ng ‘tanim bala’: Ipapalunok ko sa inyo ‘yan!

Balita Online by Balita Online
November 2, 2015
in Balita
0
Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Davao City Mayor Rodrigo Duterte
Davao City Mayor Rodrigo Duterte
Sa gitna ng matinding kontrobersiya sa bansa kaugnay ng tumitinding scam sa mga paliparan na tinawag na “tanim bala”, sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kung siya ang presidente ng Pilipinas ay ipalulunok niya sa mga nasa likod ng scam ang mga bala na inilalagay ng mga ito sa mga bagahe ng mga lokal at dayuhang pasahero.

Sa regular TV program na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” kahapon, sinabi ni Duterte na wala siyang ambisyong maging pangulo, ngunit kung sakaling maging presidente siya, ipapakain niya ang mga bala sa mismong may pakana ng scam.

“Wala akong ambisyong maging presidente, pero kung magiging presidente ako, ipapalunok ko sa‘yo ‘yang mga balang ‘yan. Wala akong pakialam kung mamatay ka. Kung magbara ‘yan sa t**bong mo, ipaooera kita para lumaki ‘yan,” sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na naniniwala siyang isang sindikato ang nasa likod ng “tanim bala” na sunud-sunod na naiuulat sa mga paliparan.

“Duda ako rito, eh. Nangyayari na ito sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong taon. Marami ang nahuli, pero naaareglo agad. ‘Di na ako naniniwala rito.”

Ang sindikato, dagdag pa niya, ay nagsimula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila, partikular sa cargo hold, na tanging mga empleyado ng mga airline company ang pinahihintulutan.

Ang mga empleyado ng NAIA at ng mga airline company ay “nakikipagsabwatan sa pulisya”, ayon sa alkalde.

Nagbabala rin si Duterte sa mga pulis: “I just hope nga wala moy apil diha (‘di kayo kasabwat dito). Kilala ako sa pagpoprotekta sa mga pulis na naaasunto habang gumaganap sa kanilang tungkulin. Ibinibigay ko ang mga pangangailangan nila, hindi lang ng mga pulis sa Davao, kundi maging sa nasa Manila.

“You just pray nga dili na tinuod (sana hindi totoo). ‘Di kapani-paniwala. Mga inosenteng tao ang nakukumpiskahan ng mga bala ng .22 o .9mm? Ni wala nga silang mga baril. Bumibiyahe lang siya pauwi galing sa abroad, o para magbakasyon o dumalo sa meetings. Tigilan n’yo na ‘yan, pero ang alam ko, nag-iimbestiga na ang PNP tungkol dito.”

Babala pa ni Duterte sa mga sindikatong nasa likod ng “tanim bala”: “Kung dinhi na sa Davao patyon ta gyud mo. Kung ma presidente ko hurot mong tanan (Kung nangyari ‘yan sa Davao, papatayin ko kayo. Kung magiging presidente ako, tapos na kayo). Ipapapatay ko kayo sa loob ng 24-oras.” – Alexander D. Lopez

Tags: hangganginyong mgayan
Previous Post

Soliman, inalmahan ng ‘Yolanda’ victims

Next Post

Pacquiao, nag-alok ng legal assistance sa ‘tanim bala’ victims

Next Post

Pacquiao, nag-alok ng legal assistance sa 'tanim bala' victims

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.