• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Duterte sa 2016: Soul-searching muna

Balita Online by Balita Online
November 2, 2015
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naniniwala ang isang lider ng oposisyon sa Kamara na may posibilidad na magbago ang isip ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at sumabak sa 2016 presidential race sa 2016.

Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader at 1-BAP party-list Rep. Silvestre Bello III, isang malapit na kaibigan ni Duterte simula noong nasa kolehiyo pa sila, kasalukuyang nagninilay-nilay ang alkalde ng Davao City at pinag-iisipan kung kakagatin o hindi ang hiling sa kanya ng iba’t ibang sektor na kumandidato siya sa pagkapangulo.

“Kilala ko siya (Duterte) nang matagal na panahon. Palagi niyang sinasabi na hindi siya pabor d’yan at magdedesisyon. Subalit kinalaunan, binawi rin ang sinabi niya. Ganoon ang style n’ya,” pahayag ni Bello.

Sinabi rin ng kongresista na nag-soul-searching si Duterte kahapon at ngayong Lunes hinggil sa plano nito sa 2016.

Ayon naman kay Christopher Go, isang matagal nang tauhan ni Duterte, sinabihan siya ng alkalde na maghintay lang muna sa kanyang desisyon habang siya at nagninilay-nilay.

Matatandaan na binawi ni Martin Diño ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo at umaasang papayag si Duterte na tumayong substitute candidate ng anti-crime crusader.

Sakaling pumayag si Duterte na tumakbo sa presidential race sa susunod na taon, sinabi ni Bello na malaki ang posibilidad na maaalog ang kandidatura ng tatlong pangunahing kandidato na sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas, Sen. Grace Poe ng Team GP (Galing at Puso) at Vice President Jejomar C. Binay ng United Nationalist Alliance (UNA). – Charissa M. Luci

Tags: 2016malaki angrinyan
Previous Post

AlDub at DongYan, magkasama sa Christmas Station ID ng GMA-7

Next Post

2 patay sa engkuwentro sa NPA

Next Post

2 patay sa engkuwentro sa NPA

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.