• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Trending, palitan ng text messages nina PNoy at Kris

Balita Online by Balita Online
May 8, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

PNoy, Kris, Joshua at Bimby

UUNAHIN pala munang gawin ni Kris Aquino ang pelikulang Etiquette for Mistresses na ididirek ni Chito Roño saka pa lang ang pelikulang pagtatambalan nila ni Derek Ramsay na co-production ng Regal Entertainment at Star Cinema.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang kausap naming taga-ABS-CBN tungkol dito, basta ang sabi lang, “Hindi muna (ang pelikula nila ni Derek), uunahin muna ‘yung kay Direk Chito. Inaayos pa lang.”

Sabagay, binanggit na rin naman ng Queen of All Media na excited siyang gawin ang Etiquette for Mistresses.

Pero sa kabila nito ay may mga nagnenega na dahil bubuhayin daw ba ulit ni Kris ang panahon na minsang naging ‘kabit’ siya ni Joey Marquez?

Tinanong namin ang KrisTV/The Buzz at Aquino & Abunda Tonight host tungkol dito.

“I accepted for one reason — because of Chito Roño. And I believe the past will give me a very clear perspective on how to portray the character, ‘ika nga ng song, ‘I’ve looked at love from Both Sides Now, from give and take and still somehow, it’s love’s illusions I recall. I really don’t know love at all.’ ‘Di ba, I’ve been on both sides of the fence?” sagot ni Kris sa amin.

Dagdag pa niya, “Reg, it’s been 12 years — everybody has moved on, ‘Kinasal, nagka-baby, and na-annul na nga ako. And as I said, anything for Direk Chito, 100% TRUST.”

Samantala, trending sa social media ang Instagram post ni Kris sa nakakatuwang palitan nila ng text massages ni Pangulong Noynoy Aquino. Napilitan si Kris na i-post text messages nilang magkapatid noong Marso 20, na may oras pa, para patunayang hindi totoo ang kumalat na political tsismis na nag-collapse daw ang kuya niya sa araw mismong nagpapalitan sila ng mensahe.

Naaliw lang kami dahil hindi namin ini-expect na ganito pala mag-usap ang magkapatid na Noy at Kris. Ito ang laman ng mensahe ni PNoy sa bunsong kapatid:
“This reminded me of you. WHAT IF CONYO LAHAT NG NASA PINAS?

“MAGNANAKAW 1: Holdap, make bigay all ur thingies, don’t make galaw or will make tusok u! MAGNANAKAW 2: Make suko, we made you napaligiran!

“IMPEACHEMENT TRIAL: You are so asar, I’m galit na to you!

“NEWSCASTER: OMG, I have hot balita to all!

“PASAHERO 1: Sir payment! PASAHERO 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!

“KARPINTERO: Can I hammer na the pokpok?

“MAGTATAHO: Taho! Make bili na while it’s init! I’ll make it with extra sago!

“PULUBI: Knock, knock pa-beg!”

Ito naman ang sagot ni Kris sa nakakaaliw na mensahe ni PNoy sa kanya: “Ang weird, you texted right at the moment I was praying Rosary for you! As in fourth Mystery now! Pauwi kami from taping in Pampanga.”

Ang sagot naman ni PNoy kay Kris: “When I first got that, ikaw ang naaalala ko.”

Sabi naman ni Kris: “Okay, I don’t know if I should be touched, flattered or just laugh.”

Sagot ni PNoy: “All of the above. Drive safely.”

(Let’s go outside. Let’s make tusok-tusok the fishballs na. –DMB)

Tags: balitamessagesninapalitanpnoytexttrending
Previous Post

Erap kay PNoy: Tigilan na ang sisihan

Next Post

Public bidding sa voting machines, tuloy—SC

Next Post

Public bidding sa voting machines, tuloy—SC

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.